Tuesday, April 15, 2014

PORK ON A GOOD FRIDAY

Sa bahay namin, tuwing sasapit ang panahon ng Kwaresma ay bawal ang karne sa hapag. Puro lutong gulay ang makikita mong nakahain sa lamesa simula Maundy Thursday hanggang Sabado de Gloria. Ganito ang set-up ng menu sa amin noong buhay pa ang tiyahin ko.

Mabuti na lang at kahit papaano ay natutunan at naappreciate ko rin ang pagkain ng gulay. May technique kasi si Auntie sa pagpre-prepare at pagluluto ng gulay kaya nagagawa niyang mapakain kami ng kapatid ko ng mga ito.

When she passed away, our dining table every Holy Week has never been the same.

I recall one Holy Week, when she's no longer around, that I decided to defy the norm of not eating meat during this season. Inisip ko kung ano ang magiging reaksyon ng mga kasama ko sa bahay pag binali ko ang nakasanayang tradition na ito.

Holy Wednesday...may tindahan ng roasted liempo na malapit sa bahay.

I waited until it was the shop's closing time before I buy the forbidden item. Para akong isang renegade sa isang operation. Ayaw ko na may makakita sa akin na bumibili ako ng karne. Ayaw kong mapurnada at mabulilyaso ang pinaghahandaan kong social experiment.

Bumili ako ng 3 kilong liempo noong gabing iyon. Naipuslit ko siya sa bahay. It was a sweet sucess.

Kinabukasan, mga pananghalian, hinain ko yung kalahating roasted liempo na binili ko kinagabihan. Walang pumansin. Parang naka-fasting yata ang lahat ng tao sa bahay. Ako lang ang takam na takam na kumain nito.

The same scenario happened when dinner came later that night and during lunch time the following day.
       
Pero nang sumapit ang hapunan ng Biyernes Santo, may ibang pangyayaring naganap sa aming hapag kainan. Nang nakita nang tatay ko na puro karne lang ang nakahain sa lamesa nang gabing iyon, nagluto siya ng talong, okra, kalabasa, at sitaw. Tahimik naming pinagsaluhan ito.

Matapos makakain ay pinagalitan at pinagsabihan niya ako tungkol sa ginawa kong paglapastangan sa nakagawian nang tradisyon. Tahimik lamang ako.

Habang nakikinig ako sa patuloy na pagsabon sa akin ng tatay ko tungkol sa aking mapangahas na pagsuway, inisip ko na wala naman sigurong masama sa ginawa ko. Gusto ko lang naman na kumain ng karne noong mga panahon na iyon.

Sabi nga, "It is not what enters into the mouth that defiles the man, but what proceeds out of the mouth, this defiles the man." - [Matthew 15:11]

Vegetarian ka nga o puro organic na pagkain ang kinakain mo pero kung puro naman mura, kapintasan, at mga walang kabuluhang bagay ang lumalabas sa bibig mo, ano pa ang ipinagkaiba  mo sa lahat. Sinusunod mo nga ang mga tradisyon pero kung hindi naman ito nagiging totoo sa buhay mo para ano pa ang naging silbi nito sa pagkatao mo. 

Sandali...teka muna...sumagi rin sa isip ko ang sinabing ito ni Paul sa Bible, "...if what I eat causes my brother or sister to fall into sin, I will never eat meat again, so that I will not cause them to fall." - [1 Corinthian 8:13]

May katwiran din naman. Kung alam ko na mali ang isang bagay sa paningin ng mga nakapaligid sa akin, then why would I indulge myself into such things when I also know that this would cause discord in my relationships and encourage unnecessary anger between me and the people that surrounds me. Kailangan pa bang ipagpilitan ito?

As I grow old, I realized that at times you'd just have to learn how to respect other people's views. You may not have to agree with them every time but at least you know for sure where you stand in these matters. It's not about being a fanatic to the shackles of traditions but exercising tolerance for other people is what makes a person human.

Hindi na muling naulit pa ang paghahanda ng karne sa hapag namin nang mga sumunod na Semana Santa.

Ngayong Holy Week, hindi ko maiwasang magtanong sa tindera ng suki kong cafeteria kung bakit walang gulay sa kanilang menu. Hindi daw nakapagluto ang kanilang kusinero ng gulay, paliwanag ng tindera.

Binalik tuloy nito sa aking gunita ang nangyaring social experiment. Dahil dito, na-miss ko tuloy yung lutong pinakbet, inabraw, at dinengdeng ni Auntie. At maging ang matamis na ginataan na inihahanda niya tuwing kami'y magmemerienda every Good Friday.     
        
        
 




     

No comments: