Friday, December 26, 2014

FENG SHUI 2 - MOVIE REVIEW


A film that gives you chills yet teaches you at the end of the film that sometimes you have to be careful in what you wish for because all the luck and fortune that you may gain in your life may have hidden and deadly consequences.
 
Sa dalawang pelikula ng Feng Shui, masasabi kong bakas at litaw ang pagiging mahusay na direktor ni Chito Rono. He was able to flawlessly bridge the Feng Shui film ten years ago to this years new sequel.

The Opening

Speaking of continuity, nagbukas ang pelikula kung saan nagtapos ang unang sequel. Ipinakita ang eksena kung saan nalaman ni Joy mula sa kanyang kaibigang si Thelma (Ilonah Jean) na hindi nakaligtas sa aksidente ang kanyang mga anak na sina Denton at Ingrid at pati na rin ang kanyang asawang si Inton. 

Sumunod na eksena mula rin sa unang sequel ay pinakita ang susunod na nagmay-ari ng bagua pagkatapos ni Joy. Matatandaan sa unang pelikula na may bagong pamilyang lumipat sa tapat ng bahay nina Joy. May kambal na babaeng anak ang couple. Tumingin din sa salamin ang dalawa at habang ipinapakita nila sa kanilang mga magulang ang natagpuan nilang bagua, makikitang nakatanaw sa bintana ng bahay si Lotus Feet.

10 years after, nag-fast foward ang kwento sa isang trahedya kung saan may isang ginang na sinusundan ng multo ni Lotus Feet sa kanyang condominium unit. Hysterical ang ginang dahil sa karumaldumal na pangyayaring tumambad sa kanya. Duguan at wala nang malay na dinatnan niya ang kanyang asawa sa kanilang silid, at pinakita rin na may dalawang kambal na babaeng teenager na pinaslang.

Sa takot niya, makalayo lang sa nagmumultong si Lotus Feet, sumunod siya sa tinig ng mga kambal na inaakala niyang buhay pa. Ngunit ang imahe na akala niyang hagdan ay ledge na pala ng veranda ng kanilang unit at tuluyan na itong nalaglag sa kanyang kamatayan.

Matapos ang tagpong ito ay ipinakilala na sa audience ang tauhan ni Lester (Coco Martin), kung saan sa kanyang katauhan ay iinog ang takbo ng kwento, at ang nagbabalik na si Master Hsui Liao (Joonee Gamboa). Dito nagsimula ang quest para mawasak ang isinumpang bagua.

The Lotus Feet Connection

Sa unang sequel, binigyan ng narration ni Master Hsui Liao ang history ni Lotus Feet.

Sa kanyang narration sa Feng Shui 1, sinabi niya na ang bagua ay pagmamay-ari ng dalawang magkapatid mula sa isang mayamang angkan sa Shanghai. Nang panahon ng rebolusyon ni Sun Yat Sen, lumikas ang mga mayayamang angkan at isa na rito ang pamilya ni Lotus Feet. Iniwan siya ng kanyang kapatid dahil hindi siya makalakad ng maayos at parang pabigat lamang ito sa kanilang paglikas. Sinabing pinagtaksilan siya ng kanyang mga alipin at sinunog ang kanyang mansion. At bago siya namantay ay sumumpang kukunin ang kaluluwa ng sino mang tumingin sa salamin ng bagua.

Sa pelikulang ito, mas binigyan ng visual depiction ang nangyaring pagsunog kay Lotus Feet. Ipinakita kung paano naging isang elemento ang giyera ng mga komunista sa trahedyang sinapit ni Lotus Feet.

May isang tagpo sa pelikula kung saan susunugin na siya ng mga komunista at tinitingnan niya ang lahat ng mga taong natulungan ng kanyang pamilya na hindi man lamang nangiming ipagtanggol siya mula sa kanyang nalalapit na kamatayan. Isang matalim na titig ang iniwan niya sa mga ito habang mahigpit na kinakapitan ang baguang nagsilbing tangi niyang pananggalang at sumpang magbibigay ng kamalasan sa kanyang mga magiging biktima.

At hindi lang nag-iisa ngayon si Lotus Feet sa pagkakalap niya ng lagim kundi dalawa na sila ng kanyang long lost sister which is a bit inconsistent with the first film since binanggit sa narration nang unang film na lalaki ang kanyang kapatid.

Sa pelikula, lumakas ang pwersa ng bagua matapos sumanib ang kaluluwa ng kapatid na babae ni Lotus Feet dito. Ang effect, dalwang tao ang namamatay sa bawat swerteng natatanggap ng pangunahing tauhan.

Ni-reveal din sa pelikula na pinagsamasama ng bagwa ang mga nagmay-ari nito na nabubuhay pa, sina Joy (Kris Aquino) at Lily (Cherry Pie Picache) mula sa unang sequel. Pipiliin ng bagwa ang dapat na magmay-ari sa kanya at maging ang mga naunang may-ari ay hindi na rin ligtas sa pangangalap ng buhay ni Lotus Feet. 

Feng Shui Part 3 Possibilities

Malamang pwedeng gawan ng part three ang pelikula.

Sa closing credits ng film, yung girlfriend ni Lester (Coco Martin) na character ni Beauty Gonzalez, pinakita na tinitingnan niya yung digital photo ng bagua na sinend sa kanya ni Lester. Habang nakasakay siya sa taxi ay in-eedit niya yung photo para makuha yung close-up na salamin ng bagua tapos nilagyan ng caption na “Pampaswerte” sabay post nito sa kanyang social media account na mabilis namang ni-like ng mga circle of friends niya sa kanyang social media account.

Ilang sandal lang, matapos ang ilang like sa kanyang account, ay nabangga ang sinasakyang niyang taxi sa isang delivery truck na may signage na “Snake”.  Matatandaan na yung elemento na papalibot sa kamatayan ng mga characters sa kwento ay madedetermine sa kanilang birth year ayon sa Chinese zodiac.

Ang bagua naging digital na at na-share pa sa social media.

Another reason for a part three possibility ay dahil hindi nagkaroon ng closure kung ano ang nangyari sa relationship ng mga character ni Joy (Kris Aquino) at ni Doug (Ian Veneracion). Hindi ipinakita kung tuluyan bang tinanggihan o tinanggap ni Joy ang proposal ni Doug na pagpapakasal.

Sa huling eksena ng pelikula, ipinakita si Joy na nasa tabi ng bangkay ni Lester kung saan napagtanto niyang ang multo nito ang tumulong sa kanya upang mawasak ang bagua. May dumating na parang police barangay mobile kung saan ipinakita ang isang mamang nakaputi na bumababa sa sasakyan habang papunta kina Joy at Lester. Tinig ng character ni Doug ang maririnig na tinatawag si Joy.

Inaanticipate ng mga audience kung naging multo rin ba ng tauhan ni Doug since bago dumating ang eksena ng pagwasak ng bagua sa Taoist Temple, ay ipinakita na nagkaroon ng gulo matapos makasagasa si Doug ng isang vendor habang papunta sila nina Joy, Lester, at Master Hsui Liao sa may Taoist Temple para wasakin ang bagua.

Overall Critique

Seeing this film in 4D may not bring you total thumbs-up after the movie but seeing it in 2D may be more than enough of what you have paid for, which is good since the story revolves on how the characters develop from facing the fears that haunted them in their past to choosing the path they would take which would either lead them to greed and demise or to peace and salvation.

Though, hindi masyado ang special effects sa pelikula, may mga moments naman na mapapatili at magugulat ka dahil sa mga tension at surprise elements na inilatag ng direktor.

Chito Rono was able to cohesively thread and tie each of the characters relationship with each other in the story and on how these characters are as important to each other in achieving their ultimate goal - the destruction of the bagua. Rono was able to stay true to the premise of the original film and was able to inject a more funny side of his view point in some of his character commentaries in the film.

Also, I like the way how Chito Rono used the same formula of black and white montage of everyday life, like what he did with the first film, in the opening credits. He was able to bring cultural vignettes of a smorgasbord of the Filipino society to life, from the people living in the water world paradise of Artex in Manila to the traditional Chinese and Filipino Chinese rituals in Binondo.

Take Away Lessons

Paglabas ko ng sinehan, sa kabuuan ng pelikulang ito, dalawang tagpo ang tumatak sa isip ko.

Una, iyong conversation nina Joy at Master Hsui Liao tungkol sa pagbangon mula sa isang masakit na pangyayari sa buhay. Simple lang yung mensahe, may mga masasakit na bagay pagdaraanan sa buhay ang isang tao. Pero magkagayon man, kailangang lumban, tumayo, at bumangon para makapagbagong buhay.

Pangalawa, yung scene na gusto nang tanggihan ni Lester ang mga swerte na dumarating sa buhay niya dahil ayaw niyang may mawala pang mahalagang tao sa kanyang buhay. Sa buhay natin, kung minsan, mas nabubulag tayo ng mga bagay na akala nating swerte sa atin. At dahil dito hindi na natin minsan napapagtuunan pa ng pansin kung ano yung mas mahalaga - ang ating kapwa, ang ating mga mahal sa buhay. 

Monday, December 22, 2014

ANG KWENTO NG REGALO




Dahil nalalanghap na ang simoy ng kapaskuhan, hindi mo na mabilang ang kabi-kabilang exchange gift at monito monita sa opisina, sa mga paaralan, at sa kung saang sulok ka man mapadpad dito sa Pilipinas. Mga malalaki at maliliit na aguinaldo na nakabalot sa samu’t saring makukulay na papel. Something long, something short, something that excites the senses. Ilan lamang ito sa mga iba’t bang temang pwedeng pagpilian sa kris kringle nating mga Juan Dela Cruz.
 
Naalala ko noong bata pa ako, ito yung tradisyon na pinakaaabangan ko tuwing darating ang Disyembre. Nagnining-ning ang aking mga mata kapag nakakakita ako ng mga naglalakihang mga kahon na nakabalot sa mga Merry Christmas na gift wrappers.
 
Sa dati kong paaralan, kapag araw na ng Christmas party ay excited na ako kapag nakolekta na ang mga regalo na dinala naming magka-kaklase. Lalagyan ang bawat isang regalo ng teacher ko ng mga numero. Matapos ang munti naming programa at mapagsaluhan ang mga iniambag na pagkain ay magbubunutan na kami para ma-raffle ang lahat ng mga regalo sa buong klase.
 
Syempre, target ng lahat ang mga naglalakihang regalo. The bigger the better was always the best thing that a child could ever imagine. At kapag nakuha na ang mga na raffle na regalo, kanya-kanyang punit na ng gift wrapper at bukas ng mga packages ang bawat isa sa classroom.
 
May mga masasayang ngiti. Meron din namang mga pilit na ngiti, tipong ikinukumpara yung nakuha niya sa katabi.  Mas gusto kasi yung nakuha ng classmate niya. Sabay buntong hininga ng “sayang” kung hindi kasi mug eh picture frame ang nakuha niya.
 
Ganito rin ako dati, lalo na kapag hindi ko gusto yung mga nakuha ko mula sa exchange gift o sa mga ninong at ninang ko. Palibhasa, musmos pa ang aking kaisipan kaya hindi ko pa siguro na-appreciate yung konsepto ng pagbibigay ng regalo sa kapwa noong mga panahong iyon. Hindi ko pa lubos matanto kung paano nakarating sa aking mga palad ang natanggap kong regalo, mula sa nagbigay nito hanggang sa makaabot ito sa akin sa araw ng Christmas party o maging sa araw na mismo ng Pasko.
 
13th Month Pay at Christmas Bonus
 
Dito nagsisimula ang lahat. Kung walang inaasahang 13th month pay at Christmas Bonus sina ninong at ninang, malamang siguro ay wala ring matatanggap ang mga inaanak.
 
Ito iyong buong taong ipinasok nila sa opisina. Sa hirap ng buhay ngayon, isipin na lang natin na may pamilya rin sina ninong at ninang na sinusuportahan. May asawa, mga anak, kapatid, ama, ina, o di kaya’y pamangkin na kailangan nilang bigyan ng tulong. Maliban na lamang siguro kung binata o dalaga pa sila at walang binubuhay na pamilya.
 
Gayun pa man, malaki man ang natanggap niyang 13th month pay o Christmas bonus ay subject to income tax pa rin ito sa BIR. Kaya yung inaasahan niyang bonus mula sa kanyang ATM ay makakaltasan pa. Mapapabuntong hininga na lang siya sa halaga na ibinawas sa kanyang bonus pag natanggap at nakita na niya ang mga detalye nito sa kanyang payslip.
 
Ipagpalagay natin na isang middle class na mamamayan sina ninong at ninang. Sabihin natin halimbawa na 5,000 o 6,000 pesos ang kinaltas ng BIR sa kanilang pinagpawisang salapi. Malaking bagay na ito para sa kanila. Ang halagang binawas ay maari nang mailaan sa kanilang grocery at pamalengke, pambayad ng mga singilin sa tubig, kuryente, cellphone, at internet o sa tuition fee ng kanilang mga pinag-aaral. Paano pa kaya siguro kung sina ninong at ninang ay arawan lamang ang sahod at isang minimum wage earner.
 
Malaking tulong na sana para kanila kung hindi masyadong mataas ang buwis na kanilang binabayaran sa pamahalaan. Pamasko na lamang sana ito ng gobyerno para sa kanila, blue collar minimum wage earner man o middle class na white collar ang propesyon sa buhay.
 
Ngayong kabilang na ako sa bumubuo ng mga manggagawang naghahanapbuhay dito sa Pilipinas, mas lalo ko na ngayong na-uunawaan yung usaping ito. Kahit siguro wala pa akong pamilyang pinaglalaanan ay malaking bagay na yung mabigyan ka ng kahit konting kaluwagan sa buwis na sinisingil sa iyo ng pamahalaan.
 
Holiday Shopping Scenarios
 
Matapos matanggap ang pinakaaasam-asam na 13th month pay at Christmas bonus na tatagal lang siguro ng isang araw, dalawa o hangang limang araw kung matipid sa paggastos, sa mga palad nina ninong at ninang ay derecho na agad sila sa mga malls at sa mga tiangge para kumpletuhin ang mga bibilhing mga regalo.
 
Kung sa US, Black Friday ng November matapos ang Thanksgiving ang pinaka-anticipated na shopping event, dito sa Pilipinas, simula ng ber months (September - December) ang simula ng mga holiday season sale na madalas ay aabot pa ng January at February nang sumunod na taon.
 
Isang linggo bago mag-Pasko, pag labas ko sa opisina matapos ang aking shift sa trabaho ay marami akong nakitang mga tao na nag-aabang sa pagbubukas ng mga mall. 7:00 am pa lang ay box-office na ang pila sa Megamall at sa Galleria, gayun din sa SM North at sa Trinoma ng mga 9:30 am. Sa isip ko, parang nag-camping yata ang madla sa mga major department stores na ito mauna lang sa mga bagong labas na stocks ng mga tindahan. Alam mo na, mahirap nang maunahan ng iba lalo na kung limited na lang iyong merchandise na iyong pinupunterya.
 
Kaliwa’t kanan na baratilo at holiday sale ang bubungad sa iyo. May 5% hanggang 70% na discount, buy one take one, buy 3 for the price of one, at kung ano-ano pang mga pakulo ng iba’t ibang mga tindahan. Mga iba’t ibang merchandise na pambata, pang matanda, panlalake, pambabae, at may unisex din.
 
Ito yung panahon na ayaw na ayaw ko kapag shopping na ang pinaag-uusapan. Hindi ako komportable sa dami ng tao sa mga pamilihan na kung madalas ay makikipagsiksikan ka sa dami ng mga tao sa mga stores ng Greenhills at Divisoria. Madali akong mainip lalo na kapag sobrang haba ng pila sa mga cashier, isama mo pa yung mga pagkakataon na biglang mag-kakaaberya ang POS system ng mga register at iyong mga customer na kulang na lang ay isang container truck ang ilagay sa pila sa dami ng bibilhin at babayaran. Madali rin akong mainis kapag out of stock ang merchandise na gusto kong bilihin, kung bakit kasi hindi ko pa binili ito dati pa.
 
Kapag na short naman sa dalang budget, kailangan ring suungin ang mahabang pila sa mga ATM. At kapag inabot pa ng kamalasan, madedebit ka ng mga ilang libong piso dahil hindi naglabas ng pera ang ATM machine. Nakaka-badtrip. Paano na lang kung ang buong laman ng ATM card mo ang iyong winidthdraw? Pag tawag pa sa banko ay offline ang kanilang mga server at kailangan pang maghintay ng isang lingo para maibalik sa iyong ATM card ang na-debit mong pera. Sobrang bad trip.
 
Pagkatapos ng pamimili ay kailangan ding bunuin ang mahabang traffic pauwi. Kapag December nga naman, san ka pa makakakita ng mga sasakyan sa kalsada na nakikipagsabayan sa ilaw ng mga Christmas lights. Hindi lang mga kumukuti-kutitap na mga head lights ng sasakyan ang maaaninagan mo kundi pati na rin mga busina na parang nangangaroling din.
 
Ang masaklap ay iyong hindi ka makasakay kaagad at stranded ka pa ng ilang oras sa lansangan dahil walang masakyan at wala ring gustong magsakay, mga jeep na nagcu-cutting trip at mga taxi driver na namimili ng pasahero. At pag sakay mo naman, halos mangalay na ang buo mong katawan dahil sa bagal ng daloy ng traffic. Katapus-tapusan ay mga madaling araw ka nang makakauwi, makakatulog ng ilang oras, at gigising muli dahil may pasok ka pa sa opisina maya-maya lamang.
 
Gift Wrapping to Gift Giving    
 
Matapos ang parusang Christmas shopping at mabili ang mga gift boxes, gift wrappers, at gift cards ay magsisimula na sina ninong at ninang na magbalot ng mga regalo. May mga ninong at ninang na naglalaan talaga ng panahon sa pagbabalot ng mga gifts. For them, I guess, wrapping presents is an art.
 
Pero para sa isa kong kaibigan na may 20 inaanak na binibigyan niya ng regalo tuwing Pasko, gift wrapping is not just an art but a form of therapy. Not only exercising one's creativity but also a form of meditation. Yung tipong iniisip mo muna yung value ng relationship mo sa pagbibigyan mo ng regalo, yung personality niya, at pagkatapos ay masusi mong pagplaplanuhan ang iyong approach kung paano mo i-eexecute yung appearace ng binalot na regalo (may ribbon ba o wala, colored Japanese paper ba o Merry Christmas wrapper in green and red).
 
Isang araw, ininvite ko siya sa bahay para magbalot ng regalo. Natutuwa ako habang pinagmamasdan ko siya. She had that meticulous and cerebral approach to this art. Kapag may natapos siyang baluting regalo ay mababakas mo ang kanyang ngiti na may halong glowing satisfaction sa ginawa niya. At kapag nagsimula na siyang magsulat ng dedication sa mga gift cards, mabasa mo lang yung stroke ng bawat titik sa card ay mararamdaman mo rin yung pagmamahal niya sa mga taong pagbibigyan niya ng mga ito.
 
Kaya simula noon, kapag nakakatanggap ako sa kanya o sa ibang tao ng mga regalo, whether Christmas man ito o kahit na anong occasion, palaging sumasagi sa isip ko ang tagpong ito.
 
Natutunan kong maging maingat sa pagbubukas ng regalo. Kailangan hindi masira ang gift wrapper na binalot dito. Para sa akin, ito yung dedication na inilaan ng nagbigay sa akin ng regalo whether siya mismo yung nagbalot o kahit na ipinabalot niya pa sa iba. The thought that someone remembered you, took the time to pick something special for you, have it wrapped in the most special way possible, and maybe even write those words to tell you exactly how special you mean in their life…it’s just priceless.
 
Gayun pa man, kahit maliit o hindi yung bagay na nakuha mo sa iyong personal wishlist mula sa exchange gift o kahit na kina ninong at ninang pa ito nanggaling, yung bagay na may nakaalala at nagbigay sa iyo ngayong Pasko, iyon siguro yung magandang alaala na dadalhin mo bago matapos ang taon.
 
Most children from all over the world, even here in the Philippines, still believe in a Christmas gift bringer. Yet, last minute Christmas presents can be a big holiday headache for most of us even when you're already done with your holiday shopping list. But don't let that suck the joy out of the actual act of giving itself. A simple and beautiful wrapped gift really is still the best way to show someone you care. And that is really a truly memorable, warm, and loving holiday Christmas present.