Monday, April 14, 2014

LONG COMMUTE


Lagpas ala-una na ng tanghaling tapat at bagsak na ang aking mga mata dahil sa puyat. Naiinip na nag-aabang ng darating na AUV na papuntang Antipolo. Ang haba ng pila at ang init pa ng panahon.

Wala pa ring FX.

Matapos ang kalahating minuto ay nangawit na ako sa pagtayo sa pila habang pinupunasan ko ng panyo ang tagaktak na tulo ng pawis sa aking noo at pisngi.

Mula ng lumipat ako sa lalawigan ng Rizal ay ganito ang eksenang dinaratnan ko palagi araw-araw tuwing uuwi ako mula sa trabaho. Kailangan kong makipag-unahan sa pagsakay at makipag-agawan ng pwesto sa ibang mga pasahero lalong-lalo na pagsapit ng rush hour at weekends.

Nakakabugnot. Iyong tipong uwing-uwi ka na tapos hindi ka makakasakay kaagad. Dahil dito ay inabot ka na ng siyam-siyam sa pag-antay ng darating na sasakyan.

Hindi naman kasi ganito noong nasa Quezon City pa ako nakatira. Kahit mahuli ako ng uwi ay ayos lang dahil marami namang bumabyaheng jeep papunta doon sa dati kong tirahan. Tiyak na makakasakay ako kaagad at makakauwi ng bahay.

Pagsakay mo naman ng jeep o ng FX ay matataon naman na kaskasero yung driver. Sa sobrang bilis ng kanyang pagmamaneho ay mapapakapit ka talaga ng mahigpit dahil kapag bigla siyang nagpreno ay siguradong mapapatilapon ka. Minsan, kung sinuswerte ka pa ay matitihaya ka pa sa unahang bahagi ng loob ng sasakyan.

At mas lulundag pang lalo ang iyong pulso kung nagkataon na nakasakay ka sa humaharurot na sasakyan habang umuulan at madulas ang daan o di naman kaya’y sa kalaliman ng gabi kung saan parang karera lang ang tagpo at mapapagewang ka sa bawat pagliko ng sasakyan. 

Mabuti sana kung makikinig yung tsuper sa mga angal ng mga pasahero at hihingi siya ng paumanhin sa kanyang aroganteng asal sa kalsada. Pero mas madalas na pikit mata at magbibingi-bingihan lang ito sabay pihit sa pinamalakas na volume ng mga speakers ng sasakyan na para bang walang nangyari.

Ito iyong mga bagay na madalas kong kinakainisan pag nagbyabyahe.
   
May mga kaibigan ako na nagpapayo sa akin na lumipat ng tirahan para mas maging malapit ako sa trabaho. Ilang beses ko rin naman itong binalak pero laging napupurnada. Mapili kasi ako sa uri ng kapaligiran pag tirahan ang pinag-uusapan. 

Siguro nasanay na lang rin ako sa ganitong kalakaran. Halos dalawang taon ko na rin naman kasi itong pinagtitiisan 

But despite these litanies of rants regarding my long commutes everyday, one thing that I appreciate the most about those moments are the opportunities to just simply be quiet and listen to what God has to say to me for that day.

In today’s rapid pace of living, most of us - myself included, tend to forget how to set aside some personal time off from all of the distractions surrounding us. We have become more concerned in keeping up with the latest happenings that we failed to simply just pause...take a break...breath...and appreciate the moment like what exactly it is.

My journey towards home brings me this sense of realization: no matter where I go, I know that God is with me.

The roads that I travel are sometimes not always smooth. But I know for sure that He is just there beside me on that ride. At times, I go through rough and rocky surfaces and roll through pot holes. But in my heart, I know that He keeps me company through every long and winding road. He keeps me safe through those speed bumps and blind curves.

In those moments where the journey seems so excruciatingly long, I learn - and am still learning - to listen to that still small voice. And when I finally arrived at my destination, it brings me great joy and relief to hear Him say “You have arrived...You’re finally home...”

No comments: