It's Lunes again, the start of a brand new work week. Tapos na naman ang maligayang TGIF and balik na ulit tayo sa dreaded OMIM (Oh my, it's Monday ---again?). Since isang nocturnal being ang inyong lingkod, tulog sa araw at gising sa gabi, I usually prepare for the weekdays by spending the whole Sunday night awake till the break of dawn like a night owl.
Yun nga lang, paggising ko kaninang hapon, parang nanghinayang ako sa mga oras na lumipas habang ako'y nahihimbing. I missed the chance to write sa umaga and to keep my schedule for this writing project. I missed to keep up with my personal deadline for the day...yes, Day 3 was delayed. Anong magagawa ko, masarap matulog. Besides, bihira lang sa isang linggo na sobra sa walong oras ang tulog ko. At the same time, it's the start of the mandatory 1 hour overtime sa office this week hanggang sa kalagitnaan ng Abril (another excuse to get away or cheat with the writing stuff...hahaha). Ngaragan naman because of the open-enrollment deadline.
Speaking of overtime, during my younger years, I usually put more hours at work than what I'm supposed to. Ito yung mga times na I open the office, kasi I have ang opening schedule, hanggang sa ako rin ang magsasara ng office kasi umaabot na ang OT ko sa katapusan ng shift ng mga may closing schedule. I was a superman and an iron man at that time. Hindi lang isang araw kundi pitong araw na magkakasunod na puro overtime for 3 straight months, I guess if my memory still serves me right (pasensya naman, nasagad na kasi lahat ng gigabytes kasi my E-D-A-D na, hahaha). Pati rest day ko pinapasukan ko rin noon and opening til closing din ang siste sa mga araw na yun.
May mga nagtatanong kung may social life pa ba ako or kung nagpapahinga pa ba ako. Siguro, intense lang talaga ako magtrabaho or wala lang talaga akong magawa after shift ends. But one thing is clear, naging alipin ako at nagpakaalipin ako sa trabaho noong mga panahong yun.
Fast forward to today, I just dreaded these extra hours that you have to spend at the office. Tama nga ang syensya na kapag tumatanda na ang isang tao, nagkakaroon na rin sya ng diminishing capacity sa kanyang endurance. Ngayon, pag may nag-alok ng overtime, I would need to take a step back and think through if I'll give my commitment. Burn out---it's true. Yung pakiramdam na na-vacuum ang lahat ng energy mo after a long day at the office na kahit magpahinga ka ng ilang oras at pagbalik mo kinabukasan para ka pa ring lantang gulay. It's like yung residue ng stress was carried over from yesterday to today. Dati, I just didn't believe this. Siguro, kapag bata ka pa, you just have that mindset na kaya mong gawin ang lahat at walang makakapigil sayo. Ngayon, it's just the opposite.
But, I guess I learned two important things from this experience.
First is to take care of yourself. Health is wealth. Kung hindi mo inaalagaan ang sarili mo, hindi mo rin ma-eenjoy ng mabuti ang mga pinaghihirapan mo. Oo nga, marami ka ngang pera pero pagod ka naman and kapag nagkasakit ka pa di sa ospital, sa doktor, at sa gamot din naubos ang lahat ng overtime pay (may hangganan din ang mga HMO natin...hahaha). One time, nasita ako ng dati kong boss kasi hindi pa ako umuuwi kahit tapos na ang oras ko sa office. Sabi niya, "Do you think you're still working as efficient and effective as you are." Hmm, make sense kasi yung diwa ko wala na talaga sa ginagawa ko, sa I really need to stop and go home that time [Thanks for the reminder, Ms. Dei :-)]. Kung si Lord nga tumitigil at naglalaan ng oras para sa pagpapahinga, ako pa kaya na isang hamak na tuldok sa pisngi ng lupa.
This brings me to lesson number two. Love your work. How do I do that? Para sa akin, siguro it's by giving the perfect part of myself sa trabaho which means I have to be as excellent as I can in terms of managing my time (make sure na may tama at takdang oras ang lahat ng bagay), managing my workloads and priorities (hindi kailangang tanggap na lang lagi ng tanggap ng commitments kasi kailangang maging bibo sa paningin ng lahat), and managing the stress levels that I encounter at work (minsan kailangan ding ihinga lahat at magkaroon ng sapat na therapy). Tunay nga naman na you just don't need to work hard all the time, but you just have to work smart everytime.
These two nuggets may not have been my cup of tea for the longest time but these could really help me take my bread and butter on top of the food chain.
No comments:
Post a Comment