Sunday, April 6, 2014

COUNTDOWN TO WRITING

Sabado, araw ng sweldo at nasa kalagitnaan ng buwan ng Marso. Ito yung palagi kong sinasabi sa sarili ko na magco-commit akong magsulat. Parang New Year's Resolution lang na pag lumipas ang ilang araw, wala na. Napabayaan at nakalimutan na. Writer's block, pero sa madaling sabi - katamaran at kawalan ng disiplina.

Napadaan ako sa National Bookstore. Naghahanap ng magandang notebook o journal na masusulatan. Eto na naman, yung bili ka ng bili ng notebook tapos hindi mo naman masyadong susulatan ang mga pahina, ni hindi ka nga umabot sa kalahati ng buong kabuoan ng kwaderno. Parang nagsasayang ka ng mga punong nakatanim. Hay, mahirap talang maging takaw tingin ka sa mga bagay na minsan akala mo kailangan mo pero pag hindi mo nabatid yung purpose kung bakit mo kailangan, parang maiisip mo na lang na sayang at panghihinayangan mo talaga.

Pero tanong ko sa sarili ko, paano ba nabubuo at naipapatotoo sa buhay ang isang pangarap? Di ba hindi naman sapat yung puro salita at plano lang. Kailangan mong kumilos, magsipag, magtyaga, magtiwala di lang sa sarili mong kakayahan kung di pati na rin sa kung saan ka dadalhin ng tadhana base sa mga naipunla mong binhi. Sabi nga ni Newton, for every action, there's an equal and opposite reaction. 

At isa rin siguro sa pinakamahalagang sangkap sa pagtupad ng isang pangarap ay ang iyong pananampalataya sa Kanya. Yung tipong akala mo parang you and me against the world o against all odds ang nangyayari sa buhay mo pero may panahon na darating na maiisip mo na hindi ka malalagay sa kinalalagyan mo kung hindi nangyari yung mga pinagdaanan mo - mabuti man o masaklap iyon. Kasi ang puno't dulo noon ay may itinakda talaga Siya para sayo at maintindihan mo man o hindi, bottom line is para iyon sa ikabubuti mo.

So, pano ngayon? Ano na dapat ang susunod na kabanata? 

Hmm. Hwag mo nang sayangin ang panahon mo sa mga paggawa ng excuses. Ituon mo ang oras mo sa paglinang at pagpapalago ng kakayahan mo at sa mga kapakipakinabang na may kabuluhang bagay. There's just only a single sunrise everyday. So why waste the day until the sunset when you have today. 

Oo lahat naman ng bagay mahirap, imposible. Pero pag nagsikap ka at hindi ka nawalan ng pag-asa, balang araw...ikaw na, wala nang iba.

No comments: