Friday, December 26, 2014

FENG SHUI 2 - MOVIE REVIEW


A film that gives you chills yet teaches you at the end of the film that sometimes you have to be careful in what you wish for because all the luck and fortune that you may gain in your life may have hidden and deadly consequences.
 
Sa dalawang pelikula ng Feng Shui, masasabi kong bakas at litaw ang pagiging mahusay na direktor ni Chito Rono. He was able to flawlessly bridge the Feng Shui film ten years ago to this years new sequel.

The Opening

Speaking of continuity, nagbukas ang pelikula kung saan nagtapos ang unang sequel. Ipinakita ang eksena kung saan nalaman ni Joy mula sa kanyang kaibigang si Thelma (Ilonah Jean) na hindi nakaligtas sa aksidente ang kanyang mga anak na sina Denton at Ingrid at pati na rin ang kanyang asawang si Inton. 

Sumunod na eksena mula rin sa unang sequel ay pinakita ang susunod na nagmay-ari ng bagua pagkatapos ni Joy. Matatandaan sa unang pelikula na may bagong pamilyang lumipat sa tapat ng bahay nina Joy. May kambal na babaeng anak ang couple. Tumingin din sa salamin ang dalawa at habang ipinapakita nila sa kanilang mga magulang ang natagpuan nilang bagua, makikitang nakatanaw sa bintana ng bahay si Lotus Feet.

10 years after, nag-fast foward ang kwento sa isang trahedya kung saan may isang ginang na sinusundan ng multo ni Lotus Feet sa kanyang condominium unit. Hysterical ang ginang dahil sa karumaldumal na pangyayaring tumambad sa kanya. Duguan at wala nang malay na dinatnan niya ang kanyang asawa sa kanilang silid, at pinakita rin na may dalawang kambal na babaeng teenager na pinaslang.

Sa takot niya, makalayo lang sa nagmumultong si Lotus Feet, sumunod siya sa tinig ng mga kambal na inaakala niyang buhay pa. Ngunit ang imahe na akala niyang hagdan ay ledge na pala ng veranda ng kanilang unit at tuluyan na itong nalaglag sa kanyang kamatayan.

Matapos ang tagpong ito ay ipinakilala na sa audience ang tauhan ni Lester (Coco Martin), kung saan sa kanyang katauhan ay iinog ang takbo ng kwento, at ang nagbabalik na si Master Hsui Liao (Joonee Gamboa). Dito nagsimula ang quest para mawasak ang isinumpang bagua.

The Lotus Feet Connection

Sa unang sequel, binigyan ng narration ni Master Hsui Liao ang history ni Lotus Feet.

Sa kanyang narration sa Feng Shui 1, sinabi niya na ang bagua ay pagmamay-ari ng dalawang magkapatid mula sa isang mayamang angkan sa Shanghai. Nang panahon ng rebolusyon ni Sun Yat Sen, lumikas ang mga mayayamang angkan at isa na rito ang pamilya ni Lotus Feet. Iniwan siya ng kanyang kapatid dahil hindi siya makalakad ng maayos at parang pabigat lamang ito sa kanilang paglikas. Sinabing pinagtaksilan siya ng kanyang mga alipin at sinunog ang kanyang mansion. At bago siya namantay ay sumumpang kukunin ang kaluluwa ng sino mang tumingin sa salamin ng bagua.

Sa pelikulang ito, mas binigyan ng visual depiction ang nangyaring pagsunog kay Lotus Feet. Ipinakita kung paano naging isang elemento ang giyera ng mga komunista sa trahedyang sinapit ni Lotus Feet.

May isang tagpo sa pelikula kung saan susunugin na siya ng mga komunista at tinitingnan niya ang lahat ng mga taong natulungan ng kanyang pamilya na hindi man lamang nangiming ipagtanggol siya mula sa kanyang nalalapit na kamatayan. Isang matalim na titig ang iniwan niya sa mga ito habang mahigpit na kinakapitan ang baguang nagsilbing tangi niyang pananggalang at sumpang magbibigay ng kamalasan sa kanyang mga magiging biktima.

At hindi lang nag-iisa ngayon si Lotus Feet sa pagkakalap niya ng lagim kundi dalawa na sila ng kanyang long lost sister which is a bit inconsistent with the first film since binanggit sa narration nang unang film na lalaki ang kanyang kapatid.

Sa pelikula, lumakas ang pwersa ng bagua matapos sumanib ang kaluluwa ng kapatid na babae ni Lotus Feet dito. Ang effect, dalwang tao ang namamatay sa bawat swerteng natatanggap ng pangunahing tauhan.

Ni-reveal din sa pelikula na pinagsamasama ng bagwa ang mga nagmay-ari nito na nabubuhay pa, sina Joy (Kris Aquino) at Lily (Cherry Pie Picache) mula sa unang sequel. Pipiliin ng bagwa ang dapat na magmay-ari sa kanya at maging ang mga naunang may-ari ay hindi na rin ligtas sa pangangalap ng buhay ni Lotus Feet. 

Feng Shui Part 3 Possibilities

Malamang pwedeng gawan ng part three ang pelikula.

Sa closing credits ng film, yung girlfriend ni Lester (Coco Martin) na character ni Beauty Gonzalez, pinakita na tinitingnan niya yung digital photo ng bagua na sinend sa kanya ni Lester. Habang nakasakay siya sa taxi ay in-eedit niya yung photo para makuha yung close-up na salamin ng bagua tapos nilagyan ng caption na “Pampaswerte” sabay post nito sa kanyang social media account na mabilis namang ni-like ng mga circle of friends niya sa kanyang social media account.

Ilang sandal lang, matapos ang ilang like sa kanyang account, ay nabangga ang sinasakyang niyang taxi sa isang delivery truck na may signage na “Snake”.  Matatandaan na yung elemento na papalibot sa kamatayan ng mga characters sa kwento ay madedetermine sa kanilang birth year ayon sa Chinese zodiac.

Ang bagua naging digital na at na-share pa sa social media.

Another reason for a part three possibility ay dahil hindi nagkaroon ng closure kung ano ang nangyari sa relationship ng mga character ni Joy (Kris Aquino) at ni Doug (Ian Veneracion). Hindi ipinakita kung tuluyan bang tinanggihan o tinanggap ni Joy ang proposal ni Doug na pagpapakasal.

Sa huling eksena ng pelikula, ipinakita si Joy na nasa tabi ng bangkay ni Lester kung saan napagtanto niyang ang multo nito ang tumulong sa kanya upang mawasak ang bagua. May dumating na parang police barangay mobile kung saan ipinakita ang isang mamang nakaputi na bumababa sa sasakyan habang papunta kina Joy at Lester. Tinig ng character ni Doug ang maririnig na tinatawag si Joy.

Inaanticipate ng mga audience kung naging multo rin ba ng tauhan ni Doug since bago dumating ang eksena ng pagwasak ng bagua sa Taoist Temple, ay ipinakita na nagkaroon ng gulo matapos makasagasa si Doug ng isang vendor habang papunta sila nina Joy, Lester, at Master Hsui Liao sa may Taoist Temple para wasakin ang bagua.

Overall Critique

Seeing this film in 4D may not bring you total thumbs-up after the movie but seeing it in 2D may be more than enough of what you have paid for, which is good since the story revolves on how the characters develop from facing the fears that haunted them in their past to choosing the path they would take which would either lead them to greed and demise or to peace and salvation.

Though, hindi masyado ang special effects sa pelikula, may mga moments naman na mapapatili at magugulat ka dahil sa mga tension at surprise elements na inilatag ng direktor.

Chito Rono was able to cohesively thread and tie each of the characters relationship with each other in the story and on how these characters are as important to each other in achieving their ultimate goal - the destruction of the bagua. Rono was able to stay true to the premise of the original film and was able to inject a more funny side of his view point in some of his character commentaries in the film.

Also, I like the way how Chito Rono used the same formula of black and white montage of everyday life, like what he did with the first film, in the opening credits. He was able to bring cultural vignettes of a smorgasbord of the Filipino society to life, from the people living in the water world paradise of Artex in Manila to the traditional Chinese and Filipino Chinese rituals in Binondo.

Take Away Lessons

Paglabas ko ng sinehan, sa kabuuan ng pelikulang ito, dalawang tagpo ang tumatak sa isip ko.

Una, iyong conversation nina Joy at Master Hsui Liao tungkol sa pagbangon mula sa isang masakit na pangyayari sa buhay. Simple lang yung mensahe, may mga masasakit na bagay pagdaraanan sa buhay ang isang tao. Pero magkagayon man, kailangang lumban, tumayo, at bumangon para makapagbagong buhay.

Pangalawa, yung scene na gusto nang tanggihan ni Lester ang mga swerte na dumarating sa buhay niya dahil ayaw niyang may mawala pang mahalagang tao sa kanyang buhay. Sa buhay natin, kung minsan, mas nabubulag tayo ng mga bagay na akala nating swerte sa atin. At dahil dito hindi na natin minsan napapagtuunan pa ng pansin kung ano yung mas mahalaga - ang ating kapwa, ang ating mga mahal sa buhay. 

Monday, December 22, 2014

ANG KWENTO NG REGALO




Dahil nalalanghap na ang simoy ng kapaskuhan, hindi mo na mabilang ang kabi-kabilang exchange gift at monito monita sa opisina, sa mga paaralan, at sa kung saang sulok ka man mapadpad dito sa Pilipinas. Mga malalaki at maliliit na aguinaldo na nakabalot sa samu’t saring makukulay na papel. Something long, something short, something that excites the senses. Ilan lamang ito sa mga iba’t bang temang pwedeng pagpilian sa kris kringle nating mga Juan Dela Cruz.
 
Naalala ko noong bata pa ako, ito yung tradisyon na pinakaaabangan ko tuwing darating ang Disyembre. Nagnining-ning ang aking mga mata kapag nakakakita ako ng mga naglalakihang mga kahon na nakabalot sa mga Merry Christmas na gift wrappers.
 
Sa dati kong paaralan, kapag araw na ng Christmas party ay excited na ako kapag nakolekta na ang mga regalo na dinala naming magka-kaklase. Lalagyan ang bawat isang regalo ng teacher ko ng mga numero. Matapos ang munti naming programa at mapagsaluhan ang mga iniambag na pagkain ay magbubunutan na kami para ma-raffle ang lahat ng mga regalo sa buong klase.
 
Syempre, target ng lahat ang mga naglalakihang regalo. The bigger the better was always the best thing that a child could ever imagine. At kapag nakuha na ang mga na raffle na regalo, kanya-kanyang punit na ng gift wrapper at bukas ng mga packages ang bawat isa sa classroom.
 
May mga masasayang ngiti. Meron din namang mga pilit na ngiti, tipong ikinukumpara yung nakuha niya sa katabi.  Mas gusto kasi yung nakuha ng classmate niya. Sabay buntong hininga ng “sayang” kung hindi kasi mug eh picture frame ang nakuha niya.
 
Ganito rin ako dati, lalo na kapag hindi ko gusto yung mga nakuha ko mula sa exchange gift o sa mga ninong at ninang ko. Palibhasa, musmos pa ang aking kaisipan kaya hindi ko pa siguro na-appreciate yung konsepto ng pagbibigay ng regalo sa kapwa noong mga panahong iyon. Hindi ko pa lubos matanto kung paano nakarating sa aking mga palad ang natanggap kong regalo, mula sa nagbigay nito hanggang sa makaabot ito sa akin sa araw ng Christmas party o maging sa araw na mismo ng Pasko.
 
13th Month Pay at Christmas Bonus
 
Dito nagsisimula ang lahat. Kung walang inaasahang 13th month pay at Christmas Bonus sina ninong at ninang, malamang siguro ay wala ring matatanggap ang mga inaanak.
 
Ito iyong buong taong ipinasok nila sa opisina. Sa hirap ng buhay ngayon, isipin na lang natin na may pamilya rin sina ninong at ninang na sinusuportahan. May asawa, mga anak, kapatid, ama, ina, o di kaya’y pamangkin na kailangan nilang bigyan ng tulong. Maliban na lamang siguro kung binata o dalaga pa sila at walang binubuhay na pamilya.
 
Gayun pa man, malaki man ang natanggap niyang 13th month pay o Christmas bonus ay subject to income tax pa rin ito sa BIR. Kaya yung inaasahan niyang bonus mula sa kanyang ATM ay makakaltasan pa. Mapapabuntong hininga na lang siya sa halaga na ibinawas sa kanyang bonus pag natanggap at nakita na niya ang mga detalye nito sa kanyang payslip.
 
Ipagpalagay natin na isang middle class na mamamayan sina ninong at ninang. Sabihin natin halimbawa na 5,000 o 6,000 pesos ang kinaltas ng BIR sa kanilang pinagpawisang salapi. Malaking bagay na ito para sa kanila. Ang halagang binawas ay maari nang mailaan sa kanilang grocery at pamalengke, pambayad ng mga singilin sa tubig, kuryente, cellphone, at internet o sa tuition fee ng kanilang mga pinag-aaral. Paano pa kaya siguro kung sina ninong at ninang ay arawan lamang ang sahod at isang minimum wage earner.
 
Malaking tulong na sana para kanila kung hindi masyadong mataas ang buwis na kanilang binabayaran sa pamahalaan. Pamasko na lamang sana ito ng gobyerno para sa kanila, blue collar minimum wage earner man o middle class na white collar ang propesyon sa buhay.
 
Ngayong kabilang na ako sa bumubuo ng mga manggagawang naghahanapbuhay dito sa Pilipinas, mas lalo ko na ngayong na-uunawaan yung usaping ito. Kahit siguro wala pa akong pamilyang pinaglalaanan ay malaking bagay na yung mabigyan ka ng kahit konting kaluwagan sa buwis na sinisingil sa iyo ng pamahalaan.
 
Holiday Shopping Scenarios
 
Matapos matanggap ang pinakaaasam-asam na 13th month pay at Christmas bonus na tatagal lang siguro ng isang araw, dalawa o hangang limang araw kung matipid sa paggastos, sa mga palad nina ninong at ninang ay derecho na agad sila sa mga malls at sa mga tiangge para kumpletuhin ang mga bibilhing mga regalo.
 
Kung sa US, Black Friday ng November matapos ang Thanksgiving ang pinaka-anticipated na shopping event, dito sa Pilipinas, simula ng ber months (September - December) ang simula ng mga holiday season sale na madalas ay aabot pa ng January at February nang sumunod na taon.
 
Isang linggo bago mag-Pasko, pag labas ko sa opisina matapos ang aking shift sa trabaho ay marami akong nakitang mga tao na nag-aabang sa pagbubukas ng mga mall. 7:00 am pa lang ay box-office na ang pila sa Megamall at sa Galleria, gayun din sa SM North at sa Trinoma ng mga 9:30 am. Sa isip ko, parang nag-camping yata ang madla sa mga major department stores na ito mauna lang sa mga bagong labas na stocks ng mga tindahan. Alam mo na, mahirap nang maunahan ng iba lalo na kung limited na lang iyong merchandise na iyong pinupunterya.
 
Kaliwa’t kanan na baratilo at holiday sale ang bubungad sa iyo. May 5% hanggang 70% na discount, buy one take one, buy 3 for the price of one, at kung ano-ano pang mga pakulo ng iba’t ibang mga tindahan. Mga iba’t ibang merchandise na pambata, pang matanda, panlalake, pambabae, at may unisex din.
 
Ito yung panahon na ayaw na ayaw ko kapag shopping na ang pinaag-uusapan. Hindi ako komportable sa dami ng tao sa mga pamilihan na kung madalas ay makikipagsiksikan ka sa dami ng mga tao sa mga stores ng Greenhills at Divisoria. Madali akong mainip lalo na kapag sobrang haba ng pila sa mga cashier, isama mo pa yung mga pagkakataon na biglang mag-kakaaberya ang POS system ng mga register at iyong mga customer na kulang na lang ay isang container truck ang ilagay sa pila sa dami ng bibilhin at babayaran. Madali rin akong mainis kapag out of stock ang merchandise na gusto kong bilihin, kung bakit kasi hindi ko pa binili ito dati pa.
 
Kapag na short naman sa dalang budget, kailangan ring suungin ang mahabang pila sa mga ATM. At kapag inabot pa ng kamalasan, madedebit ka ng mga ilang libong piso dahil hindi naglabas ng pera ang ATM machine. Nakaka-badtrip. Paano na lang kung ang buong laman ng ATM card mo ang iyong winidthdraw? Pag tawag pa sa banko ay offline ang kanilang mga server at kailangan pang maghintay ng isang lingo para maibalik sa iyong ATM card ang na-debit mong pera. Sobrang bad trip.
 
Pagkatapos ng pamimili ay kailangan ding bunuin ang mahabang traffic pauwi. Kapag December nga naman, san ka pa makakakita ng mga sasakyan sa kalsada na nakikipagsabayan sa ilaw ng mga Christmas lights. Hindi lang mga kumukuti-kutitap na mga head lights ng sasakyan ang maaaninagan mo kundi pati na rin mga busina na parang nangangaroling din.
 
Ang masaklap ay iyong hindi ka makasakay kaagad at stranded ka pa ng ilang oras sa lansangan dahil walang masakyan at wala ring gustong magsakay, mga jeep na nagcu-cutting trip at mga taxi driver na namimili ng pasahero. At pag sakay mo naman, halos mangalay na ang buo mong katawan dahil sa bagal ng daloy ng traffic. Katapus-tapusan ay mga madaling araw ka nang makakauwi, makakatulog ng ilang oras, at gigising muli dahil may pasok ka pa sa opisina maya-maya lamang.
 
Gift Wrapping to Gift Giving    
 
Matapos ang parusang Christmas shopping at mabili ang mga gift boxes, gift wrappers, at gift cards ay magsisimula na sina ninong at ninang na magbalot ng mga regalo. May mga ninong at ninang na naglalaan talaga ng panahon sa pagbabalot ng mga gifts. For them, I guess, wrapping presents is an art.
 
Pero para sa isa kong kaibigan na may 20 inaanak na binibigyan niya ng regalo tuwing Pasko, gift wrapping is not just an art but a form of therapy. Not only exercising one's creativity but also a form of meditation. Yung tipong iniisip mo muna yung value ng relationship mo sa pagbibigyan mo ng regalo, yung personality niya, at pagkatapos ay masusi mong pagplaplanuhan ang iyong approach kung paano mo i-eexecute yung appearace ng binalot na regalo (may ribbon ba o wala, colored Japanese paper ba o Merry Christmas wrapper in green and red).
 
Isang araw, ininvite ko siya sa bahay para magbalot ng regalo. Natutuwa ako habang pinagmamasdan ko siya. She had that meticulous and cerebral approach to this art. Kapag may natapos siyang baluting regalo ay mababakas mo ang kanyang ngiti na may halong glowing satisfaction sa ginawa niya. At kapag nagsimula na siyang magsulat ng dedication sa mga gift cards, mabasa mo lang yung stroke ng bawat titik sa card ay mararamdaman mo rin yung pagmamahal niya sa mga taong pagbibigyan niya ng mga ito.
 
Kaya simula noon, kapag nakakatanggap ako sa kanya o sa ibang tao ng mga regalo, whether Christmas man ito o kahit na anong occasion, palaging sumasagi sa isip ko ang tagpong ito.
 
Natutunan kong maging maingat sa pagbubukas ng regalo. Kailangan hindi masira ang gift wrapper na binalot dito. Para sa akin, ito yung dedication na inilaan ng nagbigay sa akin ng regalo whether siya mismo yung nagbalot o kahit na ipinabalot niya pa sa iba. The thought that someone remembered you, took the time to pick something special for you, have it wrapped in the most special way possible, and maybe even write those words to tell you exactly how special you mean in their life…it’s just priceless.
 
Gayun pa man, kahit maliit o hindi yung bagay na nakuha mo sa iyong personal wishlist mula sa exchange gift o kahit na kina ninong at ninang pa ito nanggaling, yung bagay na may nakaalala at nagbigay sa iyo ngayong Pasko, iyon siguro yung magandang alaala na dadalhin mo bago matapos ang taon.
 
Most children from all over the world, even here in the Philippines, still believe in a Christmas gift bringer. Yet, last minute Christmas presents can be a big holiday headache for most of us even when you're already done with your holiday shopping list. But don't let that suck the joy out of the actual act of giving itself. A simple and beautiful wrapped gift really is still the best way to show someone you care. And that is really a truly memorable, warm, and loving holiday Christmas present.

 

Monday, May 12, 2014

CELLPHONE: LOST, STOLEN, & FOUND

Image From: techinasia.com
Gusto kong magwala. Gusto kong isigaw ang panginginig ng aking mga laman. Ganito ang naramdaman ko mga ilang taon na ang nakaraan nang ma-realize ko na nadukutan ako ng cellphone.

Pero kahit na umatungal ako na parang leon sa galit, naisip ko noong mga sandaling iyon na wala na rin namang mangyayari at wala na rin naman akong magagawa pa. Hindi na rin mababalik pang muli sa akin ang natangay na Nokia 3310.

Nanghinayang ako. Apat na libo rin ang bili ko sa cellphone na iyon noong mauso ang model na ito at kasagsagan pa nito sa market. Idagdag pa sa aking panghihinayang ang mga mahalagang text messages, notes, at contact numbers na nakasave sa sim card ng aking CP na hindi ko na muling masisilayan. Sana binalato na lang sa akin ang sim card ng mandurukot.

Pinaubaya ko na lang kay Lord ang nangyari. Sana nakatulong sa mandurukot sa kung ano mang paraan ang konting halaga na mapagbebentahan o mapagsasanglaan niya ng ninakaw niyang mobile device.

Ako rin naman kasi ang may pagkakamali kung bakit ako nadukutan noong panahon na iyon. Una, sumakay ako sa ordinaryong bus na siksikan at naka-standing ovation ang mga pasahero. Pangalawa, ibinulsa ko sa front pocket ng aking maong ang aking cellphone. At pangatlo'y hindi ako naging alisto sa mga kapwa ko pasahero sa loob ng sinsakyan kong bus.

Sa pagkakatanda ko, may grupo ng mga mamang sumakay sa may Boni sa Mandaluyong. Mga tatlo hanggang apat na kalalakihan kung hindi ako nagkakamali. Nang nasa may tulay na ang bus, sa pagitan ng Boni at Guadalupe, ay may humatak sa laylayan ng aking pantalon. Natigilan at napatingin ako sa mamang gumawa noon.

Nang huminto ang bus sa bahagi ng Guadalupe ay dali-daling nagbabaan ang mga kalalakihan na nakapaligid sa akin. Nang makalagpas lang ng Orense ang aking sinasakyan ay doon lang ako nahimasmasan. Kinapa ko ang bulsa ng aking maong. Doon ko lang napagtanto na nadukutan na pala ako. Wala na ang aking 3310.

Sa buong buhay ko, siguro mga tatlong beses na akong nawalan ng cellphone. Bukod sa pangyayaring ito sa akin sa bus, natangayan din ako ng cellphone sa loob ng simbahan. Ang pinakahuling insidente kung saan ako nawalan ay sa loob ng dati kong inuupahang bahay. Ito iyong panahon na sinanla ng dati kong housemate ang aking Nokia Express Music 3250 nang hindi ko nalalaman.

Sa mga pagkakataong nawalan ako ng cellphone, naisip ko na sana may maimbentong cellphone na may advanced biometrics feature. Iyong tipong kapag hindi na-detect ng cellphone ang fingerprint ng tunay na may-ari nito ay bigla na lang itong mag-eemit ng kuryente, magse-self destruct, at sasabog gaya ng mga gadgets sa isang James Bond o Mission Impossible na pelikula.

Kung dati ay suntok sa buwan lamang ito. Sa panahon ngayon, kung saan naghari ang mga Android at IOS powered smartphones, ang posibilidad ng pagkakaroon ng reunion sa iyong nawawala at nanakaw na cellphone ay pwedeng-pwede nang mangyari.

Nitong mga nakaraang araw ay aliw na aliw ako sa pagtuklas ng mga iba't ibang nagsulputang anti-theft applications na maari mong i-install sa iyong smartphone.

May app na kapag na-install mo ay kaya nitong magpaingay ng malakas na tunog ng sirena kapag nagalaw mo ang iyong cellphone mula sa stationary position nito, tulad ng isang kotseng may alarm system na mag-iingay kapag piliit itong binuksan.

Meron ding app na kusang nag-aactivate ng camera ng cellphone na parang CCTV. Kinukunan nito ng surveillance ang paligid kung saan naroon ang phone at ipinapadala nito sa email ng may-ari ng phone ang nakalap na mga pictures. May facial recognition feature din ito na kayang kunan ang mukha ng taong may hawak ng phone nang hindi nito nalalaman at maipapadala din sa email and mga nakuhang snapshots.

Kung gusto mo namang i-lock ang iyong cellphone, bukod pa sa automatic locking system nito, kahit na wala ito sa iyong mga palad ay meron din app para dito. Mag-login ka lang sa website ng app provider mula sa internet, mag-assign ng 4-digit PIN para sa mobile device na gusto mong i-lock at ilang segundo lang ay naka lock na ang iyong phone. Kahit na ma-unlock ng kumuha ang internal locking system ng iyong android device ay dadaan pa rin ang kumuha ng phone sa security layer na ito at hihingan ang may hawak ng phone ng tamang PIN.

May GPS feature din ang app na ito na nakakapagsabi sa may-ari ng eksaktong location ng phone. Pwede mo ring paingayin ang nawawala mong phone kahit na naka remote ka mula rito sa pamamagitan ng siren feature ng app na ito. Kailangan mo lang i-activate ang feature na ito sa website ng developer. Kapag na-activate na ang feature na ito ay tiyak na makakarinig ang sino mang may tangan cellphone ng malakas na tunog ng sirena kahit naka silent mode pa ang volume ng cellphone.

Ilan lamang ang mga ito sa mga iba't ibang uri ng anti-theft applications na available ngayon para sa mga smartphones. Sa kasalukuyan ay marami pang mga dinedevelop na mga apps na naglalayong maprotektahan ang mga cellphone mula sa kamay ng mga mandurukot at masasamang kawatan.

Magkagayon man, iba pa rin ang palaging nag-iingat.

Hangga't maari ay iwasan ang pagdidisplay ng mga smartphones lalo na sa mga matataong lugar at sa mga lugar na talamak ang nakawan. Mag-cellphone lang kung may kailangang saguting tawag o ise-send na emergency text.

Maging laging alisto at huwag maging patay malisya sa kapaligiran. Kung pwedeng huwag munang maglaro ng mga games, mag-sound trip sa napakalakas na volume ng mp3 player, maglagay ng mga status at mag-upload ng mga selfie sa iyong mga social media accounts habang ikaw ay on the go para hindi ka maging target ng mga takaw matang snatcher.

Itago ang smartphone sa iyong secret compartment at huwag masanay na lagi itong binubulsa. Kung meron kang lumang model na phone, ito na lang ang gawin mong primary utility phone. At kung hindi naman talaga kailangang magdala ng high-end na phone ay iwan mo na lang ito sa bahay.

And if worst comes to worst, kapag nasa gitna ka na nang nagbabagang holdapan ay ibigay mo na lang ang cellphone mo kapag nag-demand na ang mandurukot. Huwag ka nang pumalag, makipag-agawan, at manlaban pa. Hindi mapapalitan ng halaga ng cellphone mong mamahalin ang kaligtasan at halaga ng kaisa-isa mong buhay dito sa mundo.

Ang cellphone ay naging isa na sa mga maituturing na primary necessities ng mga tao sa lipunan. Ngunit, tandaan din natin na sa bawat pagpapalit ng mga henerasyon, may mga bagay nagkakaroon ng version 2.0, mga bagay na nagiging outdated, at mga bagay na nagiging extinct. Hindi man naibalik sa akin ang natangay na Nokia 3310, itinuro sa akin ng pangyayaring ito ang dalawang bagay:

Back to basics. Magbago man ang panahon ay babalik at babalik ka pa rin sa mga basics ng iyong buhay. At appreciation. You just have to live by the moment and appreciate whatever things that you have because when these get lost or stolen along the way, these may never be found and your life may never be the same again.         

   
  



       


           

 

Thursday, May 8, 2014

MOM NO. 2

Photo from:maidagency2.sulit.com.ph
Seven years old ako nang mag-abroad ang nanay ko. Magpapasko nang umalis siya ng Pilipinas.

Noong araw ng alis niya, natatandaan ko na Christmas party namin noon sa day care center na pinapasukan ko. Habang nasa party ako, hindi ko alam kung bakit biglang sumama ang pakiramdam ko. Bigla na lang akong nilagnat at nagsuka.

Marahil ay nagkaroon ako ng episode ng separation anxiety. Kahit bata pa ako noon, alam ko na iyon na ang huling araw na makikita ko ang nanay ko dito sa Pilipinas. Napansin ng tatay ko ang pagiging malungkot at matamlay ko noong araw na iyon kaya hindi na niya ako isinama pa sa airport para ihatid ang nanay ko.

Habang nagtratrabaho sa Qatar si Mom, si Auntie na pangalawang ate ng Dad ko ang pumuno sa physical responsibilities na iniwan ng aking biological mother. Si Auntie ang buong pusong nagtiyagang nagpalaki sa amin ng kapatid ko.

Dati siyang isang yaya at kasambahay sa tahanan ng Ninong ko sa binyag. Nang lumipat ng tirahan ang pamilya ni Ninong sa Rizal ay hindi na nila siya isinama. Iyon din ang panahon na nangibang bansa ang aking ina.

Matagal nang isang kasambahay si Auntie. Simula pa noong kadalagahan niya ay lumuwas na siya ng Maynila upang mamasukan sa tahanan ng isang negosyanteng Intsik sa may Binondo. Sa kanyang murang edad ay kinailangan niyang lisanin ang lalawigan nila para makatulong sa Kuya at Ate niya at para rin mapag-aral nila ang kanilang dalawa pang nakakabatang kapatid - isa na rito ang tatay ko. Nakuwento rin ni Auntie na nang nag-asawa ng maaga ang nakababata niyang kapatid na babae ay siya rin ang naging katuwang nito sa tuition fee at ng iba pang gastusin ng aking mga pinsan sa lalawigan.

Hanga ako sa taglay na kasipagan ni Auntie. Hindi siya tulad ng isang ordinaryong kasambahay. May kapansanan siya - isa siyang pilay.

Naging ganito ang kalagayan niya nang nahulog siya sa bubong ng bahay ng amo niyang Intsik. Pilit niya kasing kinuha sa bubungan ang tumalbog na bola ng isa sa kanyang mga alaga. May naapakan siyang marupok na bahagi ng bubong. Nawalan siya ng balanse at tuluyang nahulog. Mabuti na lang at mabait ang amo niya. Sinagot nito ang pagpapagamot ni Auntie sa Philippine Orthopedic Center.

Sa kabila ng aksidenteng kanyang sinapit ay hindi niya hinayaan na maging balakid sa kanyang buhay ang kanyang natamong kapansanan. Bagkus, mas lalo pa itong nagsilbing motivation para sa kanya.

Si Auntie ang nagturo sa aming magkapatid na magbasa, magbilang, at magsulat. May mga test papers siyang pinapasagutan sa amin. Kapag na-perfect namin ang mga test na pinapasagutan niya ay ipinaghahanda niya kami ng masarap na merienda.

Si Auntie rin ang nagturo sa aming kumain ng gulay. Dati, ayaw na ayaw kong makakita nito sa aking plato. Pero kapag siya ang nagluluto ng gulay, tiyak na mauubos namin ito ng kapatid ko. Meron kasi siyang kakaibang technique sa pagpre-prepare at pagluluto ng gulay kaya mapa-dinengdeng, inabraw, o pinakbet ang nakahain ay sure na masisimot at masisimot ito.

Bukod sa gulay, panalo rin sa panlasa namin ang kanyang chicken-pork adobo, igado, nilagang baboy at baka, barbeque, sinigang na bangus, adobong pusit at balunbalunan, spaghetti with quail eggs, pansit, arroz caldo, ginataan, at biko.

Pagdating sa paglalabada ay masasabi kong expert si Auntie. Wala maduming puting damit ang hindi niya kayang paputiin nang husto. Kahit mga de-color na damit ay nagiging matingkad ang kulay. Ni wala akong maalalang damit na kumupas na nilabhan niya, maliban na lang talaga kung sadyang kupasin yung tela ng damit. At kahit na hindi siya gumamit ng Downy o Vernell ay kayang-kaya niyang gawing mahalimuyak ang amoy ng kanyang mga labada.

Naaalala ko tuloy, kapag umuuwi kami na marumi ang suot na damit ay tiyak na makakarinig kami ng sermon kay Auntie. Mahirap ang maglaba at magpiga ng mga damit, ang daing niya sa amin. Daing din niya ang hirap na inaabot niya sa pananakit ng kayang mga braso sa maghapong pagpipiga at pagsusugat ng kanyang mga daliri sa halos araw-araw na pagkukusot ng mga damit.

Champion din si Auntie kapag plantsahan ang usapan. Kahit na natambakan na siya ng plantsahin ay wala siyang pinapalagpas na kusot sa bawat piraso ng damit na kanyang pinapasadahan. Hindi ko maisip kung paano niya nagagawang pulido at malinis ang mga pinaplantsa niyang damit. Minsan, sinubukan kong gayayin yung style niya sa pagpla-plantsa. Ni hindi man lang umabot iyong mga pinalantsa ko sa kalingkingan ng ironing standards niya.

Pag uwi namin galing sa eskwela ay magaan ang pakiramdam namin dahil nadaratnan namin ang aming bahay na maayos, malinis, at kaaya-aya. Walang mahahagip na agiw, alikabok, o kahit na konting kalat. Parang merong taglay na magnet si Auntie sa kanyang pagwawalis, papaano'y sa isang hagod niya lang ng walis tambo ay marami na siyang nakalap na dumi. Kaya kung kami ang naglilinis ng bahay, palaging merong round two si Auntie. Gusto niya kasi talagang tiyaking malinis ang lahat sa aming bahay.

Kapag may sakit naman ang isa sa amin ng kapatid ko, si Auntie ang aming round the clock nurse. Siya ang matiyagang nagpupuyat para i-check ang aming temperature, nagpupunas sa amin ng maligamgam na bimpo, nagpapainom ng gamot, nagpapalit ng shirt na basa na ng pawis, nagpapakain sa amin ng mainit na lugaw o noodles, at nanghihilot sa mga sumasakit naming kasu-kasuan.

Natatandaan ko kapag nag-uuwi kami ng star, certificate, ribbon, o medal mula sa school - kahit hindi siya nakadalo sa mga school events, ay sobrang proud siya at ipinamamalita niya ito sa mga kapitbahay at sa mga iba pa niyang mga kakilala. Siya ang aming number one cheerleader. Para sa kanya ay nagbunga rin ang mga pagpipiga ng mga damit, paglilinis ng mga kwarto, at ang mga pagbubunganga lalo na kapag nagiging sobrang pasaway na kami ng kapatid ko.

Ito ang mga bagay na nami-miss ko kay Auntie. Sayang at wala na siya.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mapatawad ang sarili ko dahil isa ako sa naging dahilan ng kanyang pagpanaw.

Sabado ng gabi noon, mga unang linggo ng Marso, nang magyaya ng inuman ang mga kasama ko sa trabaho. Sa bahay ng isa sa mga katrabaho ko sa Cavite kami nag-inuman. Inabot ako ng hating gabi sa bahay nila. Buti na lang at nakaya ko pang umuwi nang mag-isa ng madaling araw.

Linggo ng tanghali nang kinatok ako sa kwarto ni Auntie. Hiningi niya ang tulong ko para hulihin ang alaga naming aso. Papaliguan niya raw kasi ito. Nahihilo akong bumangon sa aking higaan. Ramdam ko pa ang epekto ng Red Horse sa aking sistema.

Habang hinuhuli ko si Madona, ang alaga naming aso noong time na iyon, ay naghain na si Auntie ng pananghalian. Mauna na lang daw kaming kumain at susunod na lang siya matapos niyang magpaligo ng aso.

Halos mahigit dalawang oras na at hindi pa lumalabas ng banyo si Auntie. Natapos na kaming kumain ng kapatid ko at nagsimula na rin kaming magligpit ng pinagkainan. Wala pa rin siya.

Tanging ang mabilis na pagpatak ng tubig sa gripo at ang aw-aw ng aming alagang aso ang aming narinig nang kinatok namin ang pinto ng banyo. "Auntie," ang tawag namin habang patuloy kami sa pagkatok. Walang sumagot.

Pilit naming binuksan ang pinto. Natigilan kami sa aming nakita. Tumambad sa amin ang nakahandusay na katawan ni Auntie sa may toilet bowl. Hindi na siya gumagalaw. Hindi na siya nakadilat. Nagpanic kami ng kapatid ko.

Sinugod namin siya sa ospital. Cerebrovascular Aneurysm ang naging ruling ng doktor na tumingin sa kanya. Kailangan niyang operahan sa utak sa lalong madaling panahon para mapigilan ang pagdudugo ng nasirang ugat sa kanyang ulo.

Naluha ako. Natakot. Sinisi ko ang sarili ko sa nangyari sa kanya. Kung hindi sana ako nakipag-inuman at umuwi sana ako ng maaga noong gabing bago nangyari ang aksidente...Kung ako na lang sana ang nagpaligo sa alaga naming aso...Sana'y buhay pa siya at kasama namin ngayon.

Dasal ako ng dasal noong mga panahong iyon. Sana bigyan pa ni Lord si Auntie ng pagkakataong mabuhay.

Hindi ko na siya aawayin. Hindi ko na siya bibigyan ng sama ng loob. Magpapakabait na ako para hindi na siya magalit sa akin. Ito ang mga bagay na paulit-ulit na tumatakbo sa aking isipan sa apat na araw kong pagpunta-punta at pagbabantay sa ospital.

Naoperahan ng dalawang beses sa ulo si Auntie. Hindi na niya ito kinaya. Tinapat na kami ng doktor sa maaari niyang kahahantungan. Kapag nagdesisyon kami na manatili pa ang mga aparatong nakakabit sa kanya ay panghabambuhay na siyang magiging gulay. Hindi na rin namin ito kinaya. Nang nagflat line na ang monitor niya ay hindi na pina-resuscetate pa si Auntie.

Hindi ko magawang humagulgol noong burol at libing niya. Hindi ko alam kung bakit.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako tuluyang nakakapagluksa ng maayos sa pagkawala ng aking tiyahin.

Sana nasabi ko man lang sa kanya na mahal ko siya. Sana naipakita ko man lang sa aking pangalawang ina na handa akong magbago para sa ikabubuti ng aking sarili. Dahil sa nangyaring ito ay hindi na muli ako tumikim ng kahit na ano mang alcoholic beverage.

I just miss my Auntie so badly. Things will never be the same without her. Wala na ang amoy ng mga bagong labang damit niya. Wala na ang mga malinamnam na gulay na hinahain niya. Wala na.

But I'm still hoping for that day to come...that very special day that I'll see her again in another lifetime.

Kung nasaan ka man naroroon Auntie, Happy Mother's Day...You may be my Mom number two but in my heart you'll always be first place. I love you and thank you for being a mother to me and to my sister. We'll never forget you.

[I have two mothers in my life, my biological mother and my Auntie - my second mom. This Mother's Day season, I decided to write something about the two women who have made me into the person that I am.]      

    


   



        

Tuesday, May 6, 2014

YOU'RE STILL MOM

Sa darating na linggo, ipagdiriwang ng nakararami sa atin ang Mother's Day. Sa araw na ito ay aapaw na namang muli ang mga boquet ng bulaklak na ibibigay para kay Mom, Mommy, Mama, Nanay, Inay, at Airmat. Nakakatuwang pagmasdan ang mga sandaling makikita mo ang bawat miyembro ng pamilya na nagsasalu-salo upang bigyang parangal sa kanilang munting paraan ang natatanging ilaw ng kani-kanilang tahanan.

I wish I could imagine the same moment with my own biological mother. But I can't.

Hanggang ngayon kasi ay nahihirapan akong buksan ang buong puso ko para sa kanya. It's not that I don't love her but being genuine or sincere about giving or reciprocating that love back is the most difficult part to execute on my end. Maybe it's because of pride - mana nga talaga siguro ako sa nanay ko pareho kasi kaming mataas ang pride.

If given a chance to give my Mom a message this Mother's Day, I guess here's what I'll be telling her:

Noong 5 years old ako, naaalala ko na inutusan mo akong bumili ng pandesal for merienda. Pag-uwi ko ng bahay, nalaman mong hindi ako bumili doon sa suki mong bakery kaya ang ginawa mo ay nginudngod mo iyung isang pirasong pandesal sa mga talukap ng mga mata ko.

Noong edad ko ring iyon ay tinuruan mo akong magsulat. Kapag hindi ko nasundan ng maayos ang mga lines at curves na nasa pad paper ay mabilis kang nabubugnot. Then, you would start to squeeze my hands hard hanggang sa bumakat yung lapis na ginagamit ko sa aking index finger.

Pasensya ka na. Paslit pa lang kasi ako noon kaya hindi ko pa masyadong naintindihan kung paano ko gagawin yung gusto mong mangyari. 

Kapag kasama nating kumakain ang mga kaibigan mo o di kaya'y ibang tao tuwing dinner, kapag ako ang nagiging topic ng usapan ay pagagalitan at papahiyain mo ako sa harap nila. Kapag may masakit kang nasasabi tungkol sa akin ay bigla nalang akong magiging teary eyed hanggang sa hindi ko na mapigil ang pag patak ng mga luha ko. Pero kahit na nakikita mong umiiyak na ako ay patuloy ka pa rin sa pagsasabi ng mga salitang nakakasakit sa akin.

Nagpunta ka ng Qatar noong 7 years old ako. Magpapasko noong umalis ka. Natatandaan ko yung araw na iyon kasi Christmas party namin sa daycare center noon. Sa Christmas party, naalala ko bigla akong nilagnat at nagsuka - marahil yun yung naging senyales ng nalalapit kong separation anxiety sa iyo. Siguro nga kasi alam ko na iyon na ang huling araw na makikita kita dito sa Pilipinas noong time na iyon. Sabi ni Dad, mukha daw akong matamlay at malungkot kaya hindi nya na ako isinama sa airport noong umalis ka.

Matagal kang nawala. Kahit na umuuwi ka paminsan-minsan ng bansa, mga more than 20 years ka ring absent sa buhay namin. Marami-rami ring mga mahahalagang pangyayari sa buhay naming magkapatid ang na-miss mo. Mga simpleng pangyayari na akala mo wala lang pero para sa aming magkapatid ay ito iyong mga sandali na nagbigay galak sa amin, mga sandaling huhubog ng aming pagkatao sa aming pagtanda.

May mga panahon na madalas kang sumulat sa amin. Dati, bumili ka pa ng voice recorder at dahil dito nagsimula tayong magpalitan ng mga voice tapes. Sabik naming pinapakinggan ang boses mo sa cassette.

Tapos bigla na lang nag-iba ang lahat.

Hindi ka na masyadong nagparamdam. Bihira ka nang sumulat at tumawag. Pag may natatanggap naman kaming sulat, parang kaaway mo kaming lahat dito.

Minsan, pinabasa pa sa akin ni Dad yung mga sulat mo sa kanya kung saan hindi mo lang siya inaway pero inalipusta mo pa pati ang pagkatao niya. Hindi ka umuwi nung pinapauwi ka niya. Kaya ayun, nawalan na siguro siya ng amor at naghanap na ng ibang makakasama na mag-aalaga sa kanya.

May mga utang kang binabayaran dati sa Qatar yun ang sabi mo sa amin. Pero kahit marami kang utang gaya nang sabi mo, nakuha mo pa rin na magbigay ng financial assistance kahit na sa mga hindi mo kakilala habang tipid na tipid ang budget namin dito sa Pilipinas. Buti na lang, masinop sa pera si Dad at nakagawa siya ng paraan para mairaos ang aming budget sa araw-araw.       

Hanggang sa bumalik ka na ng Pilipinas for good.

You expect that the things in our lives are still the same. You expect to take control of that void that you've left for so many years. Mabuti sana kung ganoon lang kadali ang lahat. Kung madali lang maibalik ang mga nawalang panahon mo bilang isang magulang, bilang isang ina.

Ngayon, 30 years old na ako. Hindi ka masaya sa career na napili ko. Puro pintas at puna ang naririnig kong reklamo mo sa uri ng trabahong meron ako ngayon. Ang hirap mag-adjust kapag kasama ka, parang balik high-school lang ulit ang trato mo sa akin kahit na matanda na ako at meron na akong sariling pag-iisip. Ang hirap nang maibalik pa ang lahat, lalo na nasanay na kaming wala ka at maging independent.

Alam ko at nararamdaman ko na natatakot kang mag-isa. Sana naisip mo na baka dumating ang araw na tuluyan nang mawalay ang loob ng pamilya mo sa iyo dahil wala ka sa piling nila. Naisip mo sana ang bagay na ito noong mga panahon na nangungulila ang mga mahal mo sa buhay dito sa Pilipinas. Sana nagbalik bansa ka noong maaga pa lang, noong may panahon pa.  

Despite all these, bali-baliktarin man ang mundo, the fact still remains that you're still my mom. Dinala mo ako sa iyong sinapupunan ng siyam na buwan. Kung hindi rin dahil sa iyo ay hindi ko masisilayan ang mundo.

I appreciate every ounce of effort and support that you try to put up with in living with me everyday.

I want to thank you for those times that you brought me to church and to Sunday school when I was still a kid. Thank you for praying for me. Thank you for praying to God for giving me the opportunity to encounter Him and His Son, Jesus in my life.

Ipagpatawad mo kung sobrang lumayo ang loob naming magkapatid sa iyo. Sinusubukan naman naming ilapit ang aming sarili sa iyo kaso the more that we draw close to you, the more that we become strangled by your control. We even tried to talk and listen to you but we just felt that we just can't understand each others language.

Alam ko na hindi ako naging isang mabuting anak at aminado rin naman ako na nagkulang ako. Forgive me for not turning out to be the person that you wanted me to be. I'm sorry for being a failure in your eyes and for not living up to your expectations.

Past is past. Lost time may not be brought back again but I'm still hoping for that day to come where we could just sit down, talk things through and really listen to each other, let go of our pride, and just be the mother and son that we used to be.

But for the time being, I just want to greet you a Happy Mother's Day...

[I have two mothers in my life, my biological mother and my Auntie - my second mom. This Mother's Day season, I decided to write something about the two women who have made me into the person that I am.]

 



   

   

     

Tuesday, April 29, 2014

LABOR DAY PAYDAY

Photo from: Abante Tonite & Million People March
Ngayon ay araw ng sahod sa kumpanyang pinapasukan ko at nagkataon din na ngayon ay ang Araw ng mga Uring Manggagawa dito sa Pilipinas. Pinamigay na ng mga managers sa office sa bawat isa ang kani-kaniyang mga payslip. 

Tiningnan ko ang aking gross income at ihinambing ito sa aking take home pay. Masusi kong ibinaling ang aking atensyon sa aking personal income tax para sa cut-off na ito at pati na rin sa ibang mga deductions tulad ng SSS, Pag-ibig, at Philhealth na inawas sa aking kabuuang sahod ngayong payday.

Habang kino-compute ko ang lahat ng numero sa aking isip, may bigla akong narinig na nagmura sa hanay ng mga stations. Mula ito sa isa sa mga ka-opisina ko.

Ang buwis kasi na kinaltas sa kanya ay equivalent na sa isang buwang sweldo ng isang karaniwang kasambahay. Halos sa tax lang napunta lahat ang overtime pay na pinagpuyatan niya ng labindalawang araw. Malaki nga ang sweldo, malaki din ang kaltas.

Saludo ako sa diskarte at pagiging masinop sa pera ng katrabaho kong ito. Halos hindi siya nawawalan ng sideline. Pero minsan, yung kayod kalabaw na pagbabanat ng buto ay hindi rin sumasapat sa pangangailangan ng kanyang mag-anak.

Kahit hindi ako makarelate sa financial status niya since hindi pa naman ako pamilyadong tao, siguro ganito rin yung magiging himutok ko kung nagkataon na meron akong dalawang anak na pinapag-aral at halos kita ko lang ang inaasahan na tutugon sa pambayad ng pagkain, kuryente, tubig, renta ng bahay, pamasahe at allowance araw-araw. Kung minsan, isama mo na rin pati na ang pangangailangan at gastos ng iyong extended family.

Noong nagsisimula pa lamang ako sa aking career, kahit maliit pa ang sahod na tinatanggap ko noong araw ay marami na akong nabibili at nakakapag-ipon pa ako. Ngayon, lumagpas ka lang sa iyong budget at hindi mo ma-manage ng maayos ang iyong finances, parang ang hirap nang magsurvive lalo na pagsapit ng petsa de peligro - ito yung critical week na halos wala ka nang mahugot sa iyong bulsa at magbibilang ka pa ng ilang araw bago malagyan muli ang iyong ATM account.

Ganito na ba talaga kalala ang inflation sa Pilipinas? Halos pataas ng pataas ang presyo ng lahat ng bagay.

Sa halos mahigit na isang dekada ko sa paghahanapbuhay, inisip ko kung saan ba talaga napupunta ang buwis na binabayad ko sa pamahalaan. Sa aking pananaw, kabilang ako sa milyun-milyong Pinoy na nagpapasahod sa mga tao sa pamahalaan. Para sa akin, may bahagi pa rin ang aking munting kuro-kuro sa lipunang ito. Kahit na hindi ako madalas bumoto tuwing eleksyon, regular na taxpayer naman ako and I deserve an acceptable reason kung saan ginagastos ng pamahalaan ang tax na kinukuha nito sa akin.      

Kung hindi rin sa pinagpawisan kong kita ay hindi rin mabibigyan ng sahod at benepisyo ang mga kawani ng pamahalaan, hindi makakapagtalaga ng mga guro sa mga pampublikong paaralan, hindi makakapagpatayo ng mga pampublikong pagamutan sa mga liblib na lugar, hindi makakapagpagawa ng mga tulay at kalsada sa mga kanayunan, hindi makakapagpundar ng mga kagamitan ang kapulisan at sandatahang lakas ng ating bansa - ang lahat ng ito ay dahil sa buwis na ipinapataw sa akin ng gobyerno.

Sa kabila ng lahat ng ito, nakakalungkot isipin na hindi ko man lang nararamdaman ang karampatang serbisyo na sana'y binabalik ng pamahalaan sa kanyang mga mamamayan. Mahaba at mabagal na pila sa mga ahensya ng gobyerno, under the table para mapabilis ang proseso, kung minsa'y palpak o di kaya'y madalas na kawalan ng maayos na sistema - ito ang mga paulit-ulit kong naririnig na angal ng aking mga kababayan.

Nakakapanghinayang. Nakakadismaya. Nakakainit ng ulo at nakakapanginig ng laman lalo na kung malalaman mo na sa mga tiwaling kamay napupunta ang iyong mga pinagpapaguran. Pakiramdam mo'y panghabambuhay kang pinagkaitan at pinagnakawan bilang isang anak ng bayan.

Mabuti sana kung may delicadeza ang mga tiwaling ito na mag-resign sa pwesto at panagutan sa taong bayan ang bunga ng kanilang mga katiwalian. Ngunit patuloy pa rin ang mga ito sa pagbubulagbulagan at pagbibingibingihan. Tuloy pa rin ang pagkapit-tuko sa kapangyarihan. Tuloy pa rin ang paglalaro ng Solitaire, Candy Crush, at Bejeweled.

Kamakailan, may nabasa akong balita tungkol sa bill na kinatha ni Sen. Sonny Angara, ang Senate Bill 2149 na naglalayong i-adjust ang personal income tax bracket. Mula sa kasalukuyang 32% ay unti-unti itong bababa sa susunod na tatlong taon hanggang sa maging 25% na lang ito pagdating ng 2017.

Ang percentage na i-aadjust sa personal income tax ng isang indibidwal ay nakadepende sa amount ng income at tax bracket na kinabibilangan ng isang tax payer.

Sa panukalang ito, ako na halimbawang may taxable income na 20K pero hindi hihigit sa 70K ay magkakaroon ng tax rate na 15% simula Jan. 1, 2015. Bababa ito sa 13% sa susunod na taon at pagdating ng Jan. 1 2017 ay 10% na ang aking magiging tax rate. Sa mga susunod pang taon matapos ang 2017, since ang bracket ng aking kita sa trabaho halimbawa na lang ay lagpas sa 10K pero hindi lagpas sa 30K, mga 500 Php. plus 10% ng excess ng 10K ang kakaltasing buwis mula sa aking kita.

Sa buong ASEAN, ang Pilipinas ay pangatlo sa mga bansang may pinakamataas na income tax rate (35%). Sinusundan natin ang Vietnam na may 35% tax rate at Thailand nasa 37%. Samantala, sa Singapore matatagpuan sa buong Southeast Asia ang may pinakamababang personal income tax rate na nasa 20%.

Good news ito para sa isang trabahanteng gaya ko. Malaking bagay din ito para sa akin kung maisasabatas ang panukalang ito lalo na ngayon na patuloy na nagtataasan ang lahat ng presyo ng produkto at serbisyo dito sa Pilipinas habang matagal nang napag-iwanan ang kita ng isang ordinaryong Juan Dela Cruz.

Sa Labor Day na ito, wish ko lang ay sana tuluyan nang maipasa at maging batas ang Senate Bill 2149 nang sa gayon ay maging sapat ang pantawid pagkain sa hapag-kainan, mabawasan ang mga listahan ng utang na binabayaran, tulyang mapag-aral ang lahat ng miyembro ng pamilya na dapat pumasok sa eskwela, matustusan ang mga gamot at iba pang gastos medikal, at makapagpatayo ng isang disenteng tirahan nang hindi na magkawatak-watak pa ang pamilya ng nakararami sa atin.

Sa pagpunta ko sa ATM, kahit na malaki-laki rin ang ibinawas sa aking sahod ay buong puso at ngiti ko pa ring pinagpapasalamat ang bunga ng aking pinaghirapan. Gaano man kalaki o kaliit ito, ang mahalaga ay nanggaling ito sa marangal na paraan at magagamit ito upang may maipagpalang mga tao at pati na rin ang gobyerno na tatanggap nito.

At para sa ating gobyerno, ika nga sa salitang kanto - "ayusin nyo ang trabaho nyo" nang kaming mga kababayan at "boss" ninyo ay malugod naman sa inyo.                 

[Sa panahon ng pagkakasulat ng akdang ito ay kasalukuyan pa rin na patuloy na pinagdedebatihan sa Senado ang Senate Bill 2149.]


     
             

Tuesday, April 22, 2014

UNFRIENDED & BLOCKED

"I don't know if what I did was the right one. Pero mas ok na siguro yun para di ko MAKITA mga PAGMUMUKHA nila sa FB wall ko. Hahaha...buti nga unfriend lang, di ko sila BLINOCK hahaha..."

My attention was caught by this status post while I was checking my Facebook news feed. I thought kung merong naging kaaway sa FB ang may-ari ng post na ito. For whatever reasons, may malalim siyang pinaghuhugutan kung bakit siya nag-unfriend ng isang tao sa kanyang Facebook circle of friends.

This reminded me of an incident that happened between me and a former teammate. But in this story, I was the one who had been unfriended and blocked for the rest of my Facebook life.

Hindi naman kami masyadong close ng ka teammate kong ito since hindi naman kami madalas na nagkakasama sa shift kasi magkaiba ang aming work schedules.

Tuwing meron lang mga team meetings, mga once everyweek, yung chance na nakakahalubilo ko siya. Pero for most of the time, sa mga meetings din na iyon, either day-off, naka-leave, or wala lang talaga siyang schedule for that day.

Hanggang sa lumipat na ako ng company. After a year, nabalitaan ko na lang sa Facebook through a series of posts, photo uploads, status and profile changes na napromote na pala siya as Quality Analyst sa company na iyon.

One time, he posted a quote on his FB wall. Hindi ko na lang matandaan kung ano iyung eksaktong quote na iyon. Basta, parang isang motivational quote yata iyon.

I remember making a comment about the spelling of a particular word in his quote. "Mr. QA, ganito po ang spelling ng (word)..." was what I said if I still recall it correctly.

I was just being candid about my comment regarding his post at that time and I had no ill intentions of embarrassing the person in our little Facebook community.

After a few minutes, nabasa ko ang kanyang reply. Hindi naging maganda ang kanyang timpla sa aking feedback. He took my comment as an offense.

Bago pa man ako makapagreply, I found out that I was already unfriended and blocked by him. Hindi na ako nakapagtype pa ng aking explanation. It was already late for me to send my apologies.

That day, I lost a friend on Facebook.

I was eager to make amends with him. I wanted to clear and straighten things out between the both of us regarding this feud that happened on social media. I posted an apology statement on my wall hoping that he would hear me out at umaasa ako na mababasa rin niya ang paghingi ko ng paumanhin.

One of his closest friends read and responded to my post. He acted as the mediator between the two of us. Sa kanyang best friend ko pinaabot ang lahat ng aking sorry, hoping that he will be able to listen to my sincerest apology.

Kaso lang, I never heard anything from him anymore.

After a long while, I searched his profile again on Facebook. Nasa online community pa rin naman sya. I wanted to click the send friend request button but I was hesitant. I don't know if he was able to move on after what happened and if he was still willing to include me on his friends' list.

Being rejected by people more than twice was more than enough for me. It was unbearable for me. I clicked the next page. I thought that I'd just have to leave things the way they were. Nangyari na ang nangyari and I already did my part.

Minsan, naisip ko na sana he could just have unfriended me instead of blocking me out. At least if someone unfriends you, it's like a polite way of saying na "Hey, sobra ka na...nakakainis ka na...tumigil ka na...foul ka na..." Parang break it to me gently - sabi nga ng song - ...try to spare my feelings...at least leave me with my pride. When a person blocked you on their account parang ayun na, dead end na, and definitely friendship over na in your face. 

There are times that we become thoughtless and tactless in dealing with people online regardless of how good we think our intentions are. At times, we let our emotions and our mindlessness take over our interactions. Sometimes it pays to just stop...think...and wait a minute before we point, click, and send.    

What if nag-send na lang ako ng private message to him instead of making a direct comment sa kanyang post. Maybe that way, hindi siya napahiya sa mga ibang friends niya sa FB. Maybe friends pa rin siguro kami until now.





         




 

    

  

Monday, April 21, 2014

B-I-N-G-O PAST TIME

Photo from: www.donnagirl.com
"Sa letrang I - SWEET..." 

Ganito ang lagi kong dinaratnan pag-uwi ko ng bahay at kapag malapit na ako sa aming gate tuwing hapon. Mga naghihiyawang ginang at kadalagahan na sumasabay sa tilamsik ng bulilyo at panantos ang bumumugad sa harap ng aming gate.

Minsan, hindi ko sinasadyang matapakan ang paa ng isang ale sa umpukang iyon na nakadalumpisak sa aking daraanan. Humingi naman ako ng paumanhin sa kanya pero nakarinig lang ako ng galit na bulyaw mula rito na para bang siya ang reyna ng buong kalsada.

Sa dati kong tirahan sa may Quezon City ay mistulang ganito rin ang eksena. Mga inang may karay-karay na bata, ang iba'y nagpapasuso pa, abalang-abala sila sa pagmamarka ng mga bingo cards na nakalatag sa kanilang harapan.

Doon nama'y makakarinig ka ng sari-saring tsismis tungkol sa buhay ng kung sino-sinong kapitbahay. Minsan pa nga dahil sa sobrang init ng balitang kumakalat ay maya't maya lang ay may aabutan kang nang nagbabangayan.

Naisip ko yung dati kong kapitbahay. Bingo sa umaga, bingo sa hapon, at bingo sa gabi. Dahil sa kawalan ng hanapbuhay at dahil na rin sa hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral ay sa bingguhan na niya itinatawid ang pambili nila ng ulam ng kanyang buong mag-anak.

Minsan, narinig ko sila ng kinakasama niya na nagtatalo dahil sa inuuna pa nito ang paglalaro ng bingo kaysa sa pag-aasikaso sa mga anak nito. Nagtatalo rin sila madalas dahil iyong sahod na inuuwi ng lalaki niyang kinakasama ay sa bingguhan din napupunta.

Noong bata pa ako, natutunan kong maglaro ng bingo noong sinasama pa ako ng tatay ko sa Family Day celebration nila sa dati niyang pinapasukang ospital.

Mga 20-25 bingo games, kung natatandaan ko pang mabuti, yung nilalaro namin hanggang madaling araw. Sa bawat laro ay may nakatakdang pattern na dapat buohin. Sa bawat pattern na mabubuo ng isang player ay may katumbas na premyo.

Grocery, kaban ng bigas, mga naglalakihang appliances (kadalasa'y TV, ref, at gas range). May panahon din na nagpabingo yung ospital ng isang Toyota Corolla at Lancer.

Sobrang fascinated ako kapag nakakakita ako ng mga ito. Palibhasa'y musmos pa ang aking pag-iisip noong mga panahong iyon. Isa pa'y laki ako sa hirap at walang mga ganoong uri ng kasangkapan na nakikita sa aming bahay.

Ang inaabangan kong lagi sa bingo night ay kapag punuan o block out iyong pattern ng game. Madalas kasi na puro mamahaling premyo iyong ipinamimigay sa nananalo ng game na ito. Ito yung pinaka-climax ng gabi at ang sandaling pinakahihintay ng lahat.

Nag-uumapaw na excitement ang nararamdaman ko sa tuwing nakakapuro iyong mga bingo card na tinatantusan ko. Ilang bilang na lang at bibingo na.

Pero ang mas madalas na nangyayari na yung kaisa-isang numero na inaabangan mong tawagin ay napupurnadang tawagin ng bingo caller bagkus ibang numero ang tatawagin niya sa letrang iyon at maya-maya pa'y may sisigaw na ng "Bingo!" sa kabilang dako ng gymnasium.

Bigla kaming manghihinayang. Isang numero na lang sana at nagkaroon na sana kami ng bagong appliances o di kaya'y magarang sasakyan.

Wala man kaming naiuwi ng tatay kong premyo, hindi ko naman masasabi na luhaan kami ng mga sandaling iyon. Hindi lang talaga naki-ayon sa amin ang gabi.

Kanina sa opisina, nagpabingo ang TL ko. Sa wakas naisakatuparan din ang binggong pinagplanuhan noong nakarang linggo. Paraan niya kasi ito upang maging conscious kaming lahat sa team sa bawat metrics ng aming mga scorecard.

May bingo card ka kung wala kang absent. Another bingo card kung wala kang late. Isa pang bingo card ulit kung sumusunod ka ng tama sa mga break schedules mo. At kung wala kang data accuracy error for the week, plus one card din.

Ipinamahagi na ang mga cards ayon sa qualifying event ng bawat miyembro ng team. Masayang naglaro ang lahat. May mga kasama ako sa team na ngayon lang nakapaglaro ng bingo sa tanang buhay nila.

Kahit na parang foreign language sa mga first time bingo players ang mga katagang "sa N (45), putok..." ay aliw na aliw pa rin nila itong pinakikinggan. Lalo pang naging kwela ang lahat ng pati ang basic addition ay isinama sa paglalaro ng bingo (mga numero plus one, two, three, at pati zero ay sinama rin).

Tatlong pattern lang ang nilaro namin: Big X, Big Square, at Block-out.

Hindi ako masyadong pinalad sa Big Square at Block-out. Sayang, mukhang makapal pa naman yung kumot na napanalunan ng teammate ko sa Block-out game. Di bale, nanalo naman ako ng Snickers sa Big X game. Buti nang meron, kesa wala. Bawi na lang ako ulit next week sa susunod na game.

Isang magandang libangan ang paglalaro ng bingo. Ni hindi nga sumagi sa aking kaisipan na pwede rin pala itong gamitin bilang isang motivational tool sa pag-iimprove ng performance ng mga tao sa isang team.

Ngunit ang lahat ng bagay ay mayroon ding hangganan at hindi sa lahat ng oras ay iaasa mo ang iyong kabuhayan sa paglalaro ng bingo o kahit na ano pa mang uri ng larong pampalipas oras.

"Ang pag-asenso ng isang tao ay makakamit sa matiyaga at masigasig na pagbabanat ng buto at hindi sa palagi at paulit-ulit na paglalaro ng bingo."


 

   

    

  

      

     

Friday, April 18, 2014

MOMENT OF TRUTH

Matapos bilangin kung ilang tao ang nakaupo sa bawat row ng monoblocks, binilang ng facilitator ang umpok ng papel na hawak niya at sinimulang ipinamigay ito sa mga nakaupong participants. Pakiramdam ko ay para akong nasa isang pagsusulit na malapit nang magsimula ano mang oras.

"Please read the instructions carefully. As much as possible, please be honest in answering the questions," paliwanag ng facilitator. "Don't compare answers with your neighbors. You all have 30 minutes to answer these questions," dagdag pa niya.

Ganito ang nangyari isang Biyernes Santo ng gabi, mag-aapat na taon na ang nakalipas sa isang retreat na aking dinaluhan. 4th-year high school pa ako noong huli akong makasali sa ganitong uri ng gawain.

Once I received my copy of the questionnaire, I quickly browsed through all the items that are written on the activity paper.

Tahimik ang lahat ng participants at naging abala sila sa pagsagot sa mga tanong.

Mabusisi kong tinutukan ang tanong na nakasulat sa papel. Parang ang hirap gawin ng activity. Hindi ko alam kung paano ko sisimulang sagutin ang tanong dito.

PLEASE CHECK ALL THE SINS THAT YOU HAVE DONE IN YOUR LIFE.

At iyon na, naka-enumerate ang lahat ng mga kasalanan sa papel.

Natigilan ako. Napaisip. May mga gunitang nagbalik sa aking ala-ala sa bawat kasalanan na aking nabasa. Mga sarili kong kabulukan na ayaw ko nang balikan pang muli.

There were some items on the list that I was able to quickly identify with myself. These were sins that one might consider to be less grave. And yet, there were also some big words on the list that one might consider to be of a higher degree. Sins that someone might not think twice worthy of condemning.

Sa puntong iyon, hindi ko alam kung magpapatuloy pa ba ako sa pagsagot. Nagdadalawang isip ako kung lalaktawan ko ba iyong mga seryosong kasalanan na nakasulat na nagdaan sa buhay ko or should I disclose these sins that I did out in the open.

Matagal na hindi gumalaw ang aking ballpen. Patuloy kong pinagnilay-nilayan ang mga susunod kong gagawin.

I became a Christian when I was in high-school. Hindi naman ganito yung naging buhay ko noong panahon na sobrang alab pa ng pakikipagrelasyon ko kay Lord. Masaya at magaan ang loob ko, kahit na maraming mga pinagdadaanang problema.

Hindi lang siguro ako naging fully committed sa Kanya dati. I played around with our relationship.  There were times that I would justify the wrong things that I did. Then I started running away from Him. I started hiding myself from Him for a long time.

Matagal kaming nag-break ni Lord, mga halos 9 na taon. Walang prayers, walang church, walang Bible study. It was a total backslide on my end.

Hanggang sa isang araw nagising na lang ako at napagtanto na sobrang naging miserable na ang buhay ko, na wala nang patutunguhan pa ang lahat. Then, I became desperate of being saved from the miseries that were happening in my life at that time.

Napagpasyahan ko na dumalo ng retreat dahil sa imbitasyon ng isang family friend. Wala naman sigurong mawawala kung pupunta ako, naisip ko.

Finally, I just decided to become honest with the questions sa activity paper. Binilugan ko ang lahat ng kasalanan na alam kong ginawa ko, kahit na yung mga items na in denial akong aminin.

Nang matapos na ang lahat ng participants sa pagsagot sa questionnaire, nagbigay muli ng instructions ang facilitator.

"Sino sa inyo ang gustong pumunta sa harapan ng silid para i-share sa lahat yung mga sagot na binigay nyo sa activity paper?" tanong niya.

May sandaling katahimikan.

Tatayo ba ako o mananatili lang ba ako sa aking kinauupuan? Kapag tumayo ako ay malalaman ng lahat kung anong klaseng pagkatao meron ako. Lahat ng lihim, kasinungalingan, at baho ay mabubulgar.  Medyo natakot ako kasi parang bumalik muli ang mga multo na aking tinatakasan.

Ngunit sa kabila ng aking mga agam-agam, bigla na lang akong napatayo sa upuan at napalakad papunta sa harap ng silid. Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin at nagkaroon ako ng tapang upang gawin iyon.

May mga mangilan-ngilan ding participants ang nagsunurang tumayo at pumunta sa harap. Matapos humilera ng lahat, muling nagsalita ang facilitator. Bigla akong kinabahan.

"Sino sa inyo ang gustong maunang magbahagi ng kanyang mga sagot sa questionnaire?"

Muling tumahimik ang lahat. Bigla kong naramdaman ang biglang pagbilis ng tibok ng aking pulso. Nakita ko na lang ang sarili ko na nakataas ang kamay kasama pa ang ibang mga participants na handa ring mag-volunteer.

May tinawag na ibang participant ang facilitator. Nang matapos nitong magpakilala ay pinahinto na siya ng facilitator. Hindi na raw namin kailangang pang magpatuloy upang gawin iyon.

Bumuhos ang luha sa aking mga mata ng sandaling iyon. Napahagulgol ako. Para sa akin kasi, sa tanang buhay ko, doon ko lang masasabi na naging totoo at nagpakatotoo ako sa sarili ko.

At that point, I felt that I heard a voice saying na "Kahit gaano ka pa kasama, basta magpakatotoo ka lang, tatanggapin pa rin kita...kasi mahal kita".

Paulit-ulit ko itong narinig. Walang tigil ang aking pag-iyak. That was also the first time that I cried my heart out after a long time.

A bonfire was set-up that evening. Sa bonfire session na iyon, naalala ko na sinunog namin yung mga activity paper na aming sinagutan.

At that point, I realized that there was a Man who willingly died for me...who gave up Himself to pull me out of my miseries so that I could have a fresh start. All this simply just because He loves me, that's it...

I felt a sense of peace in my heart. I felt that at that moment, I was given another opportunity to start a new. A clean slate and a new beginning.

That was my moment of truth.


      

    

    



     

  

          
      





     



    

Tuesday, April 15, 2014

PORK ON A GOOD FRIDAY

Sa bahay namin, tuwing sasapit ang panahon ng Kwaresma ay bawal ang karne sa hapag. Puro lutong gulay ang makikita mong nakahain sa lamesa simula Maundy Thursday hanggang Sabado de Gloria. Ganito ang set-up ng menu sa amin noong buhay pa ang tiyahin ko.

Mabuti na lang at kahit papaano ay natutunan at naappreciate ko rin ang pagkain ng gulay. May technique kasi si Auntie sa pagpre-prepare at pagluluto ng gulay kaya nagagawa niyang mapakain kami ng kapatid ko ng mga ito.

When she passed away, our dining table every Holy Week has never been the same.

I recall one Holy Week, when she's no longer around, that I decided to defy the norm of not eating meat during this season. Inisip ko kung ano ang magiging reaksyon ng mga kasama ko sa bahay pag binali ko ang nakasanayang tradition na ito.

Holy Wednesday...may tindahan ng roasted liempo na malapit sa bahay.

I waited until it was the shop's closing time before I buy the forbidden item. Para akong isang renegade sa isang operation. Ayaw ko na may makakita sa akin na bumibili ako ng karne. Ayaw kong mapurnada at mabulilyaso ang pinaghahandaan kong social experiment.

Bumili ako ng 3 kilong liempo noong gabing iyon. Naipuslit ko siya sa bahay. It was a sweet sucess.

Kinabukasan, mga pananghalian, hinain ko yung kalahating roasted liempo na binili ko kinagabihan. Walang pumansin. Parang naka-fasting yata ang lahat ng tao sa bahay. Ako lang ang takam na takam na kumain nito.

The same scenario happened when dinner came later that night and during lunch time the following day.
       
Pero nang sumapit ang hapunan ng Biyernes Santo, may ibang pangyayaring naganap sa aming hapag kainan. Nang nakita nang tatay ko na puro karne lang ang nakahain sa lamesa nang gabing iyon, nagluto siya ng talong, okra, kalabasa, at sitaw. Tahimik naming pinagsaluhan ito.

Matapos makakain ay pinagalitan at pinagsabihan niya ako tungkol sa ginawa kong paglapastangan sa nakagawian nang tradisyon. Tahimik lamang ako.

Habang nakikinig ako sa patuloy na pagsabon sa akin ng tatay ko tungkol sa aking mapangahas na pagsuway, inisip ko na wala naman sigurong masama sa ginawa ko. Gusto ko lang naman na kumain ng karne noong mga panahon na iyon.

Sabi nga, "It is not what enters into the mouth that defiles the man, but what proceeds out of the mouth, this defiles the man." - [Matthew 15:11]

Vegetarian ka nga o puro organic na pagkain ang kinakain mo pero kung puro naman mura, kapintasan, at mga walang kabuluhang bagay ang lumalabas sa bibig mo, ano pa ang ipinagkaiba  mo sa lahat. Sinusunod mo nga ang mga tradisyon pero kung hindi naman ito nagiging totoo sa buhay mo para ano pa ang naging silbi nito sa pagkatao mo. 

Sandali...teka muna...sumagi rin sa isip ko ang sinabing ito ni Paul sa Bible, "...if what I eat causes my brother or sister to fall into sin, I will never eat meat again, so that I will not cause them to fall." - [1 Corinthian 8:13]

May katwiran din naman. Kung alam ko na mali ang isang bagay sa paningin ng mga nakapaligid sa akin, then why would I indulge myself into such things when I also know that this would cause discord in my relationships and encourage unnecessary anger between me and the people that surrounds me. Kailangan pa bang ipagpilitan ito?

As I grow old, I realized that at times you'd just have to learn how to respect other people's views. You may not have to agree with them every time but at least you know for sure where you stand in these matters. It's not about being a fanatic to the shackles of traditions but exercising tolerance for other people is what makes a person human.

Hindi na muling naulit pa ang paghahanda ng karne sa hapag namin nang mga sumunod na Semana Santa.

Ngayong Holy Week, hindi ko maiwasang magtanong sa tindera ng suki kong cafeteria kung bakit walang gulay sa kanilang menu. Hindi daw nakapagluto ang kanilang kusinero ng gulay, paliwanag ng tindera.

Binalik tuloy nito sa aking gunita ang nangyaring social experiment. Dahil dito, na-miss ko tuloy yung lutong pinakbet, inabraw, at dinengdeng ni Auntie. At maging ang matamis na ginataan na inihahanda niya tuwing kami'y magmemerienda every Good Friday.     
        
        
 




     

Monday, April 14, 2014

LONG COMMUTE


Lagpas ala-una na ng tanghaling tapat at bagsak na ang aking mga mata dahil sa puyat. Naiinip na nag-aabang ng darating na AUV na papuntang Antipolo. Ang haba ng pila at ang init pa ng panahon.

Wala pa ring FX.

Matapos ang kalahating minuto ay nangawit na ako sa pagtayo sa pila habang pinupunasan ko ng panyo ang tagaktak na tulo ng pawis sa aking noo at pisngi.

Mula ng lumipat ako sa lalawigan ng Rizal ay ganito ang eksenang dinaratnan ko palagi araw-araw tuwing uuwi ako mula sa trabaho. Kailangan kong makipag-unahan sa pagsakay at makipag-agawan ng pwesto sa ibang mga pasahero lalong-lalo na pagsapit ng rush hour at weekends.

Nakakabugnot. Iyong tipong uwing-uwi ka na tapos hindi ka makakasakay kaagad. Dahil dito ay inabot ka na ng siyam-siyam sa pag-antay ng darating na sasakyan.

Hindi naman kasi ganito noong nasa Quezon City pa ako nakatira. Kahit mahuli ako ng uwi ay ayos lang dahil marami namang bumabyaheng jeep papunta doon sa dati kong tirahan. Tiyak na makakasakay ako kaagad at makakauwi ng bahay.

Pagsakay mo naman ng jeep o ng FX ay matataon naman na kaskasero yung driver. Sa sobrang bilis ng kanyang pagmamaneho ay mapapakapit ka talaga ng mahigpit dahil kapag bigla siyang nagpreno ay siguradong mapapatilapon ka. Minsan, kung sinuswerte ka pa ay matitihaya ka pa sa unahang bahagi ng loob ng sasakyan.

At mas lulundag pang lalo ang iyong pulso kung nagkataon na nakasakay ka sa humaharurot na sasakyan habang umuulan at madulas ang daan o di naman kaya’y sa kalaliman ng gabi kung saan parang karera lang ang tagpo at mapapagewang ka sa bawat pagliko ng sasakyan. 

Mabuti sana kung makikinig yung tsuper sa mga angal ng mga pasahero at hihingi siya ng paumanhin sa kanyang aroganteng asal sa kalsada. Pero mas madalas na pikit mata at magbibingi-bingihan lang ito sabay pihit sa pinamalakas na volume ng mga speakers ng sasakyan na para bang walang nangyari.

Ito iyong mga bagay na madalas kong kinakainisan pag nagbyabyahe.
   
May mga kaibigan ako na nagpapayo sa akin na lumipat ng tirahan para mas maging malapit ako sa trabaho. Ilang beses ko rin naman itong binalak pero laging napupurnada. Mapili kasi ako sa uri ng kapaligiran pag tirahan ang pinag-uusapan. 

Siguro nasanay na lang rin ako sa ganitong kalakaran. Halos dalawang taon ko na rin naman kasi itong pinagtitiisan 

But despite these litanies of rants regarding my long commutes everyday, one thing that I appreciate the most about those moments are the opportunities to just simply be quiet and listen to what God has to say to me for that day.

In today’s rapid pace of living, most of us - myself included, tend to forget how to set aside some personal time off from all of the distractions surrounding us. We have become more concerned in keeping up with the latest happenings that we failed to simply just pause...take a break...breath...and appreciate the moment like what exactly it is.

My journey towards home brings me this sense of realization: no matter where I go, I know that God is with me.

The roads that I travel are sometimes not always smooth. But I know for sure that He is just there beside me on that ride. At times, I go through rough and rocky surfaces and roll through pot holes. But in my heart, I know that He keeps me company through every long and winding road. He keeps me safe through those speed bumps and blind curves.

In those moments where the journey seems so excruciatingly long, I learn - and am still learning - to listen to that still small voice. And when I finally arrived at my destination, it brings me great joy and relief to hear Him say “You have arrived...You’re finally home...”

Sunday, April 13, 2014

OVERWORKED & OVERTIMES (A Revision of MONDAY MADNESS OTs & LABORS OF LOVE)

It's Lunes again, the start of a brand new work week. Tapos na naman ang maligayang TGIF and balik na ulit tayo sa dreaded OMIM (Oh my, it's Monday ---again?).
Since isang nocturnal being ang inyong lingkod, tulog sa araw at gising sa gabi, I usually prepare for the weekdays by spending the whole Sunday night awake till the break of dawn like a night owl.
Yun nga lang, paggising ko kaninang hapon, parang nanghinayang ako sa mga oras na lumipas habang ako'y nahihimbing. I missed the chance to write sa umaga.
Anong magagawa ko, masarap matulog. Besides, bihira lang sa isang linggo na sobra sa walong oras ang tulog ko.
At the same time, it's the start of the mandatory 1 hour overtime sa office this week hanggang sa kalagitnaan ng Abril (another excuse to get away or cheat with the writing stuff...hahaha). Ngaragan naman because of certain deadlines.
Speaking of overtime, during my younger years, I usually put more hours at work than what I'm supposed to.
Ito yung mga times na I open the office, kasi I have an opening schedule, hanggang sa ako rin ang magsasara ng office kasi umaabot na ang OT ko sa katapusan ng shift ng mga may closing schedule.
I felt like superman and iron man at that time.
Hindi lang isang araw kundi pitong araw na magkakasunod na puro overtime for 3 straight months, I guess if my memory still serves me right (pasensya naman, nasagad na kasi lahat ng gigabytes sa utak ko kasi my E-D-A-D na, hahaha). Pati rest day ko pinapasukan ko rin noon and opening til closing din ang siste sa mga araw na yun.
May mga nagtatanong kung may social life pa ba ako or kung nagpapahinga pa ba ako. Siguro, intense lang talaga ako magtrabaho or wala lang talaga akong magawa after shift ends. But one thing is clear, naging alipin ako at nagpakaalipin ako sa trabaho noong mga panahong yun.
Fast forward to today, I just dreaded these extra hours that you have to spend at the office.
Tama nga ang syensya na kapag tumatanda na ang isang tao, nagkakaroon na rin sya ng diminishing capacity sa kanyang endurance. Ngayon, pag may nag-alok ng overtime, I would need to take a step back and think through if I'll give my commitment. 
Burn out---it's true. Yung pakiramdam na na-vacuum ang lahat ng energy mo after a long day at the office na kahit magpahinga ka ng ilang oras at pagbalik mo kinabukasan para ka pa ring lantang gulay. It's like yung residue ng stress was carried over from yesterday to today.
Dati, I just didn't believe this. Siguro, kapag bata ka pa, you just have that mindset na kaya mong gawin ang lahat at walang makakapigil sayo. Ngayon, it's just the opposite.
But, I guess I learned two important things from this experience.
First is to take care of yourself.
Health is wealth. Kung hindi mo inaalagaan ang sarili mo, hindi mo rin ma-eenjoy ng mabuti ang mga pinaghihirapan mo. Oo nga, marami ka ngang pera pero pagod ka naman and kapag nagkasakit ka pa di sa ospital, sa doktor, at sa gamot din naubos ang lahat ng overtime pay (may hangganan din ang mga HMO natin...hahaha).
One time, nasita ako ng dati kong boss kasi hindi pa ako umuuwi kahit tapos na ang oras ko sa office. Sabi niya, "Do you think you're still working as efficient and effective as you are."
Hmm, make sense kasi yung diwa ko wala na talaga sa ginagawa ko, sa I really need to stop and go home that time [Thanks for the reminder, Ms. Dei :-)]. Kung si Lord nga tumitigil at naglalaan ng oras para sa pagpapahinga, ako pa kaya na isang hamak na galing sa alabok sa pisngi ng lupa.
This brings me to lesson number two. Love your work.
How do I do that?
Para sa akin, siguro it's by giving the perfect part of myself sa trabaho.
This means I have to be as excellent as I can in terms of managing my time wisely. Making sure na may tama at takdang oras ang lahat ng bagay. Yung conscious ka dapat sa oras dahil may mga naka-line up ka pang gagawin. Hindi yung 1/3 ng araw mo sa trabaho ay nauubos sa mga breaks at sa mga walang saysay na mga routines na hindi naman nagreresult into productivity.  
Managing my workloads and priorities. Hindi kailangang tanggap na lang lagi ng tanggap ng mga commitments at mga tasks kasi kailangan at gusto mo na maging bibo ka sa paningin ng lahat sa opisina.May pagka control freak din kasi ako madalas. I usually failed at delegating certain tasks to my work partners kasi I hate giving control of things.
Pero naisip ko rin na hindi rin tama yung "kaya kong gawin ang lahat" mentality. No man really is an island and two heads, even more, are better than one.   
And finally, I guess, managing the stress levels that I encounter at work everyday.
May times na kailangan din kasi na i-exhale ang lahat ng hindi kanais-nais sa trabaho para magkaroon ka ng time to have a better outlook and inhale fresh perspectives. Pag kinikimkim mo kasi ang lahat ng ito and you don't bother to speak-up your mind, para itong lason o virus na nakakaapekto sa morale at self-esteem mo everyday na papasok ka sa opisina.
And if you end up tolerating it even more, it just becomes a black-hole that would suck up all your positive energy, your working relationships, and even on how you look at yourself as an employee. Paminsan-minsan ay kailangan din na magkaroon ng sapat na therapy. 
These two nuggets may not have been my cup of tea for the longest time but these could really help me take my bread and butter on top of the food chain. 
Tunay nga naman na you just don't need to work hard all the time, but you just have to work smart everytime.